Chapter 9

23 6 0
                                    

Enjoy reading!

Secret 

Kim's POV

Naging ayos naman yung buong linggo ko, naging smooth yung daloy puro review ang ginawa namin, final exam na namin sa biyernes. Finally matatapos na din ang kalbaryo ko, mag ba-baksyon na.

Nag hahanda na'ko para pumasok sa school. Nag suot nako ng uniporme at kinuha ang bag ko para di nako babalik dito sa kwarto mamaya. Naabutan kong kumakain ng agahan sila inay at fred.

"Good morning, nay." Bati ko at humalik sa kanyang pisngi.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi, at inaya na akong kumain ng agahan. Tahimik kaming nag aagahan ng biglang...

"GOOD MORNING TITA!!!!" Nakakarinding bati ni josh. Sino paba? Siya lang naman ang maingay ang bunganga pag umaga bukod kay inay syempre.

"Ayy palaka!" Gulat na sagot ni inay. "Ano ka ba namang bata ka, bakit kaba sumisigaw" Nakahawak sa dibdib na tanong ni inay. Ayy nako 'tong lalakeng to talaga oo.

"Hehehe... Sorry na tita." Natatawang sagot niya.

"Ano ba naman yang bunganga mo josh, ka aga aga ang ingay mo. Talo mo pa yung megaphone sa lakas ng bibig mo!" Singhal ko sa kanya.

"Ikaw naman ang aga aga ang sungit-sungit mo, wag ka na mag sungit. Puma-panget ka lalo HAHAHAHA!" Pang iinis niya.

"Talaga ba?" Sakrastikong tanong ko. Tumayo nako para mag ayos, bago pa'ko umalis ay dinig ko pa rin ang pag tawa niya.

Bwisit na lalake yun ang aga-aga!Aishhhh!!!

Nakasimangot akong nag paalam kay inay na papasok nako. Kasabay kong mag lakad yung megaphone.

"Hatid na kita sa room niyo." Malaki ang ngiti sa labi niya.

"Wag na. Kaya ko na."

"Ahh... Basta ihahatid kita sa ayaw't gusto mo." Di na'ko nakasagot dahil hinila niya agad ako papunta sa building namin.

"Mag aral ka ng mabuti." Paalala niya. Ayan nanaman yung mala tatay na paalala niya.

"Nag aaral naman ako ahh..." Binitin ko ang sasabihin ko. "...Hindi nga lang mabuti" Natatawang wika ko.

"Aray!" Singhal ko sa kanya matapos niya kong batukan.

Ang sama ng ugali niya talaga kahit kelan. Sadisto.

"Ayan diyan ka magaling. Puro kalokohan yang nasa ulo mo." Umiiling iling na sabi niya.

"Totoo naman eh." Umamba siya ng panibagong batok kaya agad akong tumakbo papunta sa loob ng room. Ilang minuto lang ay pumasok na ang first sub namin.

YES! Lunch na ang pinaka gusto kong subject haha. Nag mamadali akong hinila ni jul pa puntang canteen baka raw kasi maubusan kami ng upuan. Kala mo naman talaga mauubusan ng upuan makahila tanggal na 'ata braso ko, may ma babakante din naman agad. 

Napatingin ako sa gilid ng canteen, kumunot ang noo ko. Anong ginawa nila rito? Tumigil na si julie sa pag hila sakin.

"Jul, una kana sa loob. Hintayin mo na lang ako dun. May pupuntahan pa pala ako." Pag papalusot ko.

"Ahh, sige, order na rin kita ah? Ano yung dati pa rin?" Tumango lang ako sa kanya at nauna na 'kong mag lakad paalis. Nag tago ako sa punong hindi kalayuan sa kanilang dalawa para marinig ko yung pag uusapan nila.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now