Chapter 1

118 18 7
                                    

N/A: Sorry sa wrong grammar and typo, enjoy reading.

Accident

Kim's POV

Linggo na ngayon, nag aayos ako ng sarili kase pupunta kami ni itay sa bayan para mag simba. Nang matapos ako mag ayos ay pumunta nako sa kusina para mag umagahan naabutan ko si inay at si fred— bunso namin na kumain na ng umaghan.

"Good morning 'nay" Bati ko kay inay pag ka rating ko sa kusina, humalik ako sa pisngi nya at naupo sa tapat nya.

"Good morning den sa'yo maupo kana't kumain para makaalis na kayo ng ama mo" Sabi ni inay sakin. Nag simula na akong kumain habang si inay naman ay pinapakain si fred ng dinurog na patatas.

Pag katapos kong kumain ay nag sipilyo nako at hinintay si itay sa sala.

"Kim halika na naka 'di natin masimulan ang misa" Sabi ni itay. Nag paalam muna ako kay inay at fred bago sundan si itay. Pumara si itay ng jeep para mas mabilis kaming makarating, kase kung lalakarin namin baka miski anino ni father 'di na namin makita.

Habang nasa byahe ay napansing kong namumutla si itay.

"Itay ayos ka lng po ba?" Sinilip ko ang mukha ni itay para makita ko ng ayos."Tay? nag umagahan ka naman po diba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"A-ahh oo a-ayos lng ako, mainit lang siguro. Oo naman kumain ako ng umagahan." Sagot ni itay sakin sabay pay-pay sa sarili niya.

Baka kailangan niya lang mag bawas.

Nag kibit balikat na lang ako.

"Para po!" Sigaw ko sa driver ng jeep. Pag ka-baba namin ni itay ay dumereto na kami sa loob ng simbahan. Ng makaupo kami ay saktong nag simula ang misa.

Habang nakikinig ako ng misa ay parang di ma pakale si itay sa kina-uupuan nya.

Baka natatae si itay?

Nasa kalagitnaan na kami ng misa ng may maramdaman akong kakaiba.

Parang kailangan ko na din yatang mag bawas.

Umiling na lamang ako at nakinig sa sermon ni father. Natapos na namin ang misa, nag hihintay kami ng masasakyang jeep ng biglang humigpit ang hawak ni itay sa balikat ko.

Bago ko pa man siya matanong ay bigla siyang bumagsak sa semento at nauntog. Agad akong lumuhod para itayo siya.

"T-tay?! Tay! Anong nangyayare sa inyo?TAY!" Nag simula ng tumulo ang luha ko.

"K-kailangan... Totoo... A-anak." May sinasabi bsi itay pero hindi ko maintindihan 'yon dahil para siyang hinihingal at kinukulang sa hangin.

"W-wag na po kayong msg salita. Tulungan nyo ko! Tumawag kayo ng ambulansya! PLEASE! TULONG!!!" Pag mamaka-awa ko sa mga taong malapit sa pwesto namin.

'Tumawag ka ng masasakyan'

'Kawawa naman yung bata'

'Tumawag na kayo ng ambulansya'

May dalawang lalake na lumapit sakin at sinakay si itay sa isang tricycle.

"Tay. Kumapit ka lang, wag kang bibitaw. Tay please lumaban ka." Kita ko kung pa'nong pilit iminumulat ni itay ang kaniyang mga mata.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now