VIII. Game of Synesthetes

994 88 42
                                    

BLAISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLAISE

Thank God it's Saturday! Wala nang pasok. Kaya lang, may rehearsal kami para sa gaganaping school play. Darn it. Bakit ba kasi ako ang napiling gaganap bilang Harriet? Ano'ng trip ng school director? Puwede naman niyang i-postpone na lang ang play given what happened to the former Harriet. Because of what happened to her, I learned that being Harriet was parlous.

Napahinga na lang ako nang malalim.

Tahimik kong tinatahak ngayon ang daan patungo sa theater for the final rehearsal but someone caught my attention. I abruptly stopped.

Natanaw ko ang isang lalaking hindi naka-uniform, Saturday kasi ngayon kaya okay lang. Naglalakad siya saka may dala-dalang mga gamit. Papunta siguro siya sa clubroom nila. Wait, why is he holding papers? It's like a script. Don't tell me he is the playwright? The one who wrote the Damsel in Distress? Omg! And he looked familiar, huh?

I touched my chin, thinking something. Nanlaki naman ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino siya. Kaklase ko siya dati, ah! What's he doing here? Siya rin 'yong sumulat n'ong script para sa short film!

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang may biglang sumigaw.

"ALIS!" sigaw ng isang lalaking nag-e-skate.

Skater boy?

Parang eksena lang 'to sa isang series, ah. Everything's in slow motion. Charot! Wala naman kasing gano'n sa totoong buhay.

Subalit huli na ang lahat sapagkat bigla nitong binangga ang playwright saka tumilapon lahat ng dala niyang mga gamit—papers, book, and folder—sa lupa. Pareho silang bumagsak. D'yos ko! Nawa'y hindi sila nasugatan.

Pinanood ko ang skater boy habang tumatayo ito at pinagpagan ang sarili. Ngunit napaawang na lang bibig ko nang dumiretso lang ito sa paglalakad na para bang walang nangyari. Na parang wala siyang nasaktang tao. Wow, ha! Ni hindi man lang niya tinulungan iyong playwright! Gagong 'yon! Okay sana kung nag-sorry siya, pero waley!

Sa sobrang inis ng playwright, kaagad niyang dinampot ang makapal na librong natapon sa lupa na malapit sa kaniya saka ibinato niya 'yon sa likod ng skater boy. Sapul!

I chuckled. 'Buti nga sa kaniya. Deserve!

He then shouted in anger. "Fricking skater!"

Nagtawanan lang ang mga kasama nitong skaters saka lumayo na sa playwright.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Pagkaraan ng ilang minuto'y narating ng mga paa ko ang theater. Kaagad na hinanap ng mga mata ko si Rufus. A smile stretched on my lips soon as my eyes met his. He's sitting in front while reviewing and leafing through the script. He's having a hard time memorizing it, I guess?

I then approached him, smiling from ear to ear.

"What's with that smile?" he asked in a deadpan tone.

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon