XV. The Game Manipulator

441 37 12
                                    

"Happy birthday, Blair!" bati ng lahat sa isang babae, who was in her early twenties

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Happy birthday, Blair!" bati ng lahat sa isang babae, who was in her early twenties. Kulot ang kanyang buhok saka nakasuot ito ng salamin.

Marami siyang bisita sa kanyang kaarawan. Mga kaibigan, relatives, at saka mga teacher—mga kasamahan ng kanyang ama sa Lewis High.

"Thank you guys!" tugon niya.

Siya ay isang masayahing babae. Sa katunayan, maraming gustong makipagkaibigan sa kanya. Lapitin din siya ng mga lalaki dahil sa kanyang iwing ganda subalit hindi pa siya nagkaka-boyfriend. No boyfriend since birth. Halos hindi rin ito lumalabas ng bahay dahil tutok ito sa kanyang pag-aaral. Sinabi niya sa sarili at sa kanyang ama na magtatapos muna siya ng pag-aaral bago lumandi—este, sagutin ang isa sa kanyang mga manliligaw.

Not until a man, who was in his thirties, came into her life and changed everything.

"Happy birthday, Blair!" bati ng lalaki sa kanya habang ngumingiti.

Kumunot naman ang noo ni Blair sapagkat hindi naman niya ito kilala. Ngayon lang niya ito nakita sa tanang buhay niya.

"Ah, Blair, this is the School director of Lewis High," wika ng kanyang papa nang mapansing hindi siya gumalaw at sumagot. Pagkatapos ay lumingon ito sa school director. "Sir, this is Blair, panganay ko."

"I'm Mr. Russu Mayer," pagpapakilala pa nito sabay abot ng kanyang kamay.

Tumango-tango naman si Blair saka tinanggap ang alok nitong handshake. "Blair . . . Blair Hakenson. Nice to meet you, sir," aniya. She then reverted his automatic beam with a broad one of her own.

Simulan noon ay naging malapit na ang dalawa. Palagi na silang nagde-date, nanonood ng movies, kumakain sa iba't ibang fast food chain, at parati rin nilang ka-chat at ka-text ang isa't isa. Hanggang sa naging sila na nga. Sinagot na, sa wakas, ni Blair si Russu Mayer. Wala silang pakialam sa mga taong tumitingin sa kanila tuwing sila'y magkayakap og magkahawak ng kamay. Age doesn't matter, sabi nilang dalawa sa isa't isa.

"Natatakot ako, baka malaman ni papa na may boyfriend na 'ko," nag-aalalang wika ni Blair. She was making a lot of twisting gestures. "Nag-promise ako sa sarili ko, Russu. Pati na rin kay papa na papasok lang ako sa isang relasyon kapag nakapagtapos na ako."

"It's okay, I'll do something," tugon naman ni Russu Mayer.

"Ano'ng gagawin . . . mo?" tanong niya.

Isang araw, nilapitan siya ng kanyang ama. Medyo kinabahan na siya sapagkat parang batid na niya ang sasabihin nito. Bumilis ang pagkabog ng kanyang puso at anumang oras ay tila sasabog na ito.

I'm doomed, she thought.

"Totoo ba? Boyfriend mo si Mr. Russu Mayer?" tanong ng kanyang ama. Nanggalaiti ito sa galit. Kinuyom nito ang parehong kamao habang naghihintay sa tugon ni Blair. Galit ito dahil hindi tinupad ni Blair ang kanyang pangako na magtatapos muna ng pag-aaral bago pumasok sa isang relasyon.

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon