V. The Deduction Show

1.2K 83 50
                                    

BLAISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLAISE

Our eyes widened because of what we've just heard from one of the members of the Drama Club. The female lead is missing? Who the hell is responsible from her disappearance? Or perhaps she's just fooling us around.

"How can you be so sure that she's really missing? Maybe she's just fooling us around. Or baka naman nasa cafeteria lang siya, enjoying the foods she bought," I asked.

"But I found a ciphertext in the dressing room where I last saw her."

Inabot niya sa 'min ang ciphertext na nakita raw niya.

"'Di ko alam kung paano 'yan i-decode, eh," aniya saka napakamot sa likuran ng kaniyang ulo na animo'y may nagpaparamdam doon na kuto.

Tiningnan namin ang kapiraso ng papel na natagpuan daw niya sa dressing room kung saan niya huling nakita si Harriet. 'Di ko alam ang pangalan niya kaya Harriet na lang ang itatawag ko sa kaniya, tutal 'yon naman ang name niya sa play.

May nakasulat nga roon at sa isang tingin ay hindi namin maintindihan.

ACLKPEYNLOWOANEW

"A piece of cake," Rufus uttered in a deadpan tone.

Yabang ng isang 'to, ah. Kaya naman pala niya, eh 'di uwian na!

I was about to leave when he hastily grabbed my wrist. Ouch!

"Where do you think you're going?" he inquired.

I then faced him. "'Di mo naman ako kailangan dito. I'll go out!" I rolled my eyes then averted my gaze from him.

"Blaise," he uttered dahilan para mapatingin ulit ako sa kaniya, "I need you here."

Natigil ako't umawang ang labi ko. Geez, why did my heart skip a beat? Sinalakay ng init ang aking pisngi kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Namumula ba na parang presa ang magkabila kong pisngi right now? Buwisit ka, Blaise! Nakahihiya!

"Are you blushing?" hindi makapaniwalang tanong ni Rufus habang nakainat ang mga labi niya.

Sa 'di mawaring dahilan, sa pagngiti ni Rufus, para akong hinandugan ng isang malamig na inumin matapos ang paglalakbay sa disyertong may ekta-ektaryang lawak.

I then averted my eyes from him at paulit-ulit na minura ang sarili ko sa isip ko. "Bitawan mo nga ako!" bulyaw ko rito.

"Blaise, I'm dead serious. I need your help, so as Harith."

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon