XX. New School Director

357 26 6
                                    

BLAISE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

BLAISE

Few days had passed pero hindi ko pa rin nakalilimutan ang napanaginipan ko. Paulit-ulit akong sinabihan ng mga kaibigan ko ng "Panaginip lang 'yon," "It won't happen," at "No one will die." Sana nga talaga.

"Ready ka na, Blaise?" masiglang sambit ni Lani. Abot-tainga ang ngiti nito habang karga-karga ang kaniyang kulay-uling na bag.

Kasalukuyan akong nakapangalumbaba habang tinitingnan ang roommates ko. 'Tapos, napabuga ako nang malalim na hininga. "Yup." Wala naman akong choice.

"Oh, bakit parang hindi ka happy o excited? Don't tell me . . . iniisip mo pa rin 'yong bad dream mo?" pag-usisa pa nitong bago naming roommate na si Lilith Ellington. Who would have thought na magiging kaibigan at roommate namin ang queen ng Lewis High? "Blaise . . . how many times do we have to tell you that—"

"Okay!" I raised my hands in defeat then rolled my eyes. "It won't happen. It won't happen. Pero, guys . . . hindi n'yo 'ko masisisi lalo pa't may na-receive tayong message from a mysterious sender. Naging anxious ako dahil do'n. Idagdag pa ang masamang panaginip ko," paliwanag ko sa kanila.

Kaagad na lumapit sa 'kin si Lilith saka ipinatong ang magagaan niyang kamay sa magkabila kong balikat. "Everything will be fine, Aura-girl. All we have to do now is to go to the event center para makilala na natin ang bagong school director, okay?" aniya sabay ngiti.

I smiled then nodded my head. Aura-girl? What a lame monicker.

"'Di ba nga, emosyon lang ng mga tao ang nakikita mo? Our emotions manifest themselves to you in different lights? Hindi naman kami na-inform na pati ang future ay nakikita mo na rin. Echosera ka!" biro pa ni Lani na ikinatawa naming tatlo.

I'm so glad na naging kaibigan ko si Delaney kasi kaya niyang pagaanin ang pakiramdam ko—well, kaya niyang pagaanin ang lahat.

"Ano pa ba ang hinihintay n'yong dalawa? Let's go!" Lilith exclaimed. Halatang nag-aapura ang gaga.

The next thing I knew, nasa harapan na kami ng event center kung saan ipapakilala na sa amin ang bagong school director ng Lewis High. Maingay ang pagsulong ng ilang mag-aaral sa event center sa panibagong semester. Samot-saring tarpaulins ang nakabalandra sa stage at mayro'n namang makukulay na posters na nakadikit sa announcement board.

"Uy, tawag ako ng mga kaklase ko. Maiwan ko muna kayo, ah," paalam pa ni Delaney.

"Okay . . ." sabay sabi namin ni Lilith.

Natanaw namin ni Lilith na kumaway kay Delaney ang kaniyang mga kaklaseng nakapuwesto sa bandang unahan. She then sprang in joy. Lumapit siya sa kaniyang classmates at kaagad silang humagikhik nang makaupo siya roon.

Synesthetes' Game (Published under Immac PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon