Chapter 16

71 4 0
                                    

I sniffed, only to smell the familiar scent of the hospital. Nagising ang diwa ko nang maramdaman ang kamay na nakahawak din sa kamay ko. A warm hand is on top of it. Doon ko napansin si Jacob na nakayuko habang tumataas baba ang kanyang balikat dahil sa paghinga.

He's sleeping. Wala si Mama at hindi ko alam kung nasaan ba siya.

I passed out. Nahimatay ako sa sobrang bigat ng naramdaman at ako naman ngayon ang nakahiga sa kama na hindi ko pinangarap mahigaan.

Akala ko ay wala na ang sakit. Akala ko ay sa pamamagitan ng paggising ko ulit, mababalitaan kong hindi namatay si Papa, na walang nangyaring masama sa kanya at puro panaginip lang lahat nang iyon.

Iginalaw ko ang kamay. Nagising si Jacob dahil doon kaya kaagad itong napakusot sa mata nang mapansing nakatingin ako sa kanya.

Pagod na pagod na ang kanyang mukha. Halatang walang enerhiya na pero nagawang samahan ako rito. Wala akong ideya kung anong oras na o araw ba dahil ganoon pa rin naman ang kanyang suot noong una kong makita ito sa hospital. There is still a hint of not giving up on him. Na parang siya pa iyong namatayan.

"Kumusta pakiramdam mo? Makakalabas ka na pala maya-maya. May inaasikaso lang si Tita sa labas," saad niya nang mapansin ang pagtatanong sa mukha ko.

I blinked a few times. Hindi ako nagsalita at pinakiramdaman ulit ang sarili.

His eyes were on me. Hindi naaalis at mas lalong pinakatitigan ang mukha ko. He's like seeing every details on my face, even the smallest one.

"Jake? Pwedeng huwag mo muna akong iwan?" I asked him. I can't be strong now. Hindi ko kakayaning mag-isa itong nangyari sa akin.

I recently had a break-up with Alonzo and now, my father died. Dobleng sakit at mas gusto kong may masandalan sa ganitong oras. Magmukha man akong duwag, ayos lang kasi gusto kong may makausap.

Though it is hard for me to accept what's happening, I need to let myself feel the courage to face another day, and lifetime in this world. Kailangan kong maging matatag.

He held my hands tightly and then embraced me. Sa ganoong punto ay naramdaman ko ang tibok ng kanyang puso, ng aking puso na tila nag-iisa sa mga ganitong oras. Naroon din ang marahang pagsuklay niya ng buhok ko gamit ang kanyang kamay.

"Nandito naman ako palagi para sa'yo. I won't leave you, Phoebe. Kailanganin mo ako hangga't kailan mo gusto kasi handa naman akong narito para sa'yo palagi," he used his soft voice.

My best friend. The only friend who has been there through my ups and downs. Napakaswerteng magkaroon ng isang Jacob Valdemora sa isang buhay. Laging handa sa tuwing kakailanganin mo.

The idea of having him on my side is good. Dahil pagkatapos ng ilang oras na pananatili sa hospital ay nakalabas ako, bitbit ang lahat ng lungkot at pighati.

We left the hospital with all of the sadness. May inayos pa si Mama tungkol sa bangkay ni Papa kaya pinahatid niya ako kay Jacob sa bahay.

Buong byahe ay hindi ako nakapagsalita. Maski si Jacob ay ganoon din kaya mas ginusto na rin niyang huwag magsimula ng kung anong topic.

Kahit ganoon man ay hindi ko mapigilang hindi maluha sa tuwing maaalala ko ang huling yakap ko kay Papa. Sinubukan ko namang hindi isipin pero sadyang sumasagi sa isipan ko.

I am not a daddy's girl. Sa katunayan ay malapit lang ang loob ko kay Papa kaya kahit na ilang taon naman kaming hindi nagkasama, hindi ko magawang kalimutan na lang siya sa buhay.

Now that I've got no choice to see him alive and have a chance to spend most of my time with him, siguro ay talagang ganito na ang mangyayari. Wala na.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now