Chapter 22

74 4 0
                                    

"We're going somewhere today. Dahil nandito ka na rin lang naman, ikaw na muna magbantay sa anak ko. Saglit lang kami," his cousin told him. Ibinigay nito kay Jake ang kanyang anak habang ang kanyang asawa naman ay binigay din kay Jake iyong feeding bottle.

Nakaupo lang ako habang kinakain iyong dessert na kanilang ibinigay sa amin. Actually, balak ko naman sanang tanggihan kaso mas umiral iyong pagiging mabuti nila.

"Ba't ako? Hanep, ah? Pumunta lang ako rito tapos naging instant babysitter na ako?" he whined. Hindi naman niya maibigay ulit iyong bata dahil nasa braso na niya ito.

His cousin only smirked at him and then looked at me. Saglit akong napatingin din sa kanya bago niya ibinalik ang tingin kay Jacob na ngayon ay pinapatahan na ang biglang umatungal na bata.

"I'm training you. Sa susunod, magiging tatay ka na rin naman kaya bakit hindi kita sanayin ngayon pa lang?" Napaubo ako sa pagkakarinig niyon.

Kung halos lahat nga ng pinsan niya ay may mga anak na, ibig sabihin, siya na lang ba ang natitirang hindi pamilyado? Will he remain single until the rest of his life? Balak pa ba niyang makabuo ng pamilya sakali?

Jacob heard me coughing so he went to my place. Karga niya ang bata na parang siya ang tunay na ama.

"Gago. Tagal pa 'yon. Saan ba kayo pupunta? Baka aalis na rin kami agad kaya dalian niyo. Mareklamo pa naman itong kasama ko," he said. Napairap ako sa kanyang sagot bago uminom ng tubig.

Mareklamo ba ako? Kung wala lang sana ang pinsan niya sa harap namin, binatukan ko na ito.

"Sandali lang kami. Be sure that you'll take care of my son. Kung hindi, talagang mababaog ka." Jacob laughed a bit but has a tense on his tone. Nanahimik lang ako habang pinagmamasdan iyong kanyang asawa.

Pinahiran ko ang gilid ng labi. From the way she dresses herself, she looks professional. Parang gamay na nito kung anong estilo ba ang nababagay sa kanya. Added by his beautiful curls, she looks like a living doll for me.

She also has this aura of being innocent. Ewan ko ba kung iyon lang ba ang tingin ko sa kanya o mula noon ay ganito na talaga ang kanyang aura. She's beautiful. Ganito ba ang mga tipo ng mga Valdemora? Bakit ako, sobrang layo sa kanya?

I am not comparing myself to her. Nagtataka lang ako kung bakit ako, na malayo sa kanyang dating ay nagustuhan ni Jacob. Do we share the standards that they are looking for some girl?

Umalis ang mag-asawa nang payapa sa harap namin. I swallowed my saliva hardly. Napadako ang tingin ko kay Jacob na nakanguso habang tinitignan ng mariin iyong bata.

He's carrying it with all his might. Maingat naman ang kanyang pagkakahawak habang hindi alam kung paano ba aliwin ito.

"Hindi ka marunong mag-alaga ng bata, 'no? Kanina pa naiiyak ang itsura tapos hindi mo man lang magawang aliwin?" pang-aasar ko sa kanya. I diverted my attention to the baby, and I stared at him.

Walang duda. Kuhang-kuha niya ang mukha ng isang Valdemora. I can see that he has a big resemblance from his father. Ang tatapang ng dugong dumadaloy sa kanya.

"Yabang mo, ah? Hindi ba pwedeng hindi ako sanay mag-alaga? Malay ko bang kailangan ko pang aliwin 'to," sagot niya sa akin bago tinitigan iyong bata.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now