Chapter 28

68 4 0
                                    

Nakarating kami sa Antique pagkatapos ng ilang mahabang oras. Pagtapak pa lang namin ay namangha na kaagad ako. It's not my first time to travel without my mother. Pero ngayong kasama si Jacob, kakaiba sa pakiramdam.

I have my bag with me. Ganoon din siya at talagang naghanap pa kami ng pwedeng marentahang kotse. We wanted to explore the place on our own. Hindi naman kami siguro makukuntentong naroon lang sa iisang lugar. Gusto rin kasi naming makagala kahit saan.

We arrived at the resort. Tanghali na pero dinadalaw pa ako ng antok. Maaga kasi kaming umalis tapos hindi pa ako masyadong nakatulog sa eroplano kanina. Kumuha rin kami ng room saka madalian nang ipinasok ang mga dalang gamit sa loob.

Mas maganda ang sikat ng araw tapos dagdagan pa ng sobrang tahimik na lugar. There's also a restaurant which I think, we can have some of our orders. Hindi na rin siguro kami lalabas pa para kumain sa iba.

Kalmado ang tubig sa dagat tapos may mga cottages na mayroon hindi kalayuan sa dagat. It's so refreshing to look at it. Masyadong malagkit sa balat ang hanging tumatama sa akin pero maganda ang nakita namin pagkarating pa lang.

Gustuhin ko mang tumampisaw kaagad ay hindi ko na nagawa dahil sa pagod. I quickly rested my back at the bed and hugged the pillow.

Iyong room na nakuha namin ay may dalawang single beds. Air-conditioned tapos may iisang comfort room. Mayroon ding isang cabinet kung saan nailagay namin iyong mga bag. Good thing we have a television.

"You'll sleep? Pagod ka?" tanong sa akin ni Jacob. I weakly nodded my head.

Kung ako ay antok, siya ay mukhang hindi man lang nakaramdam ng ganoon. Siya na ang nag-drive pero walang pagod sa kanyang mukha.

"You can swim there or do anything you want. Matulog muna ako. Pakigising na lang ako mamaya." Napahikab ako saka mas lalong napayakap sa unan. Siya ay nakaupo sa kanyang kama at tumango na lang din.

"Okay. I'll wake you up later if we'll eat. Have some rest. We can swim at night," tugon niya sa akin. Since he's nearer at the aircon, he lowered the temperature.

Hindi kasi ako minsan nakakatulog kapag masyadong malamig. Alam naman niya iyon kaya mukhang dahil sa nakasanayan ko, hindi na niya ako tinatanong pa tungkol sa ganitong bagay.

Buti na lang dahil pinayagan niya akong pareho kaming magbayad sa room. I will leave him here if he didn't let me. Ayoko namang maging abuso sa kanya kahit na gustong-gusto naman niyang ilibre ako. Gusto ko kasing mas may naiaambag ako kahit papaano. Hindi porque't siya ang lalaki, siya na ang sasagot sa lahat.

May awa pa naman ako.

Instead of talking to him, I slept. Lumabas muna siya at hindi ko na naramdaman kung gaano ba siya katagal doon.

Lucky for me because I've got a chance to be with him. Okay lang naman sa akin kasi masyado na akong sanay sa kanya. Gusto nga niya sanang hiwalay kami ng room pero hindi na ako pumayag. Imbes na makatipid, mas gusto niya iyong napapagastos siya. Buti na lang talaga, ang galing kong napapayag siya.

May tiwala naman ako sa kanya. It's not a big deal for me to be with him in a room. Good for two nga itong nakuha namin tapos masyadong malaki pa. This is spacious for the both of us. Pati nga kama, sobrang luwag na.

About the car, we rented it for three days. Napagplanuhan naming mag-extend para naman mas sulit ang pagpunta namin. We can sleep inside the car if we want. Wala naman akong problema roon basta't siya naman ang kasama.

At least, there is someone who can protect me. Hindi naman siya magdadalawang isip na gawin iyon sa akin.

Jake is Jake. Maloko lang minsan sa mga salitang lumalabas sa kanya pero pagdating sa ugali, doon siya mas sumeryoso. I hate how he used to make fun of me before. Iyon ang mas hindi ko nagustuhan sa kanya kasi hindi nababagay sa kanyang katawan ang ganoong ugali.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now