Chapter 18

78 4 0
                                    

Na-guilty ako. Hindi ko naman alam na ganoon na pala ang kanyang nararamdaman sa akin.

Now that I've heard his rants, his confession, nothing changed. Wala akong naramdamang kahit na anong galit o pagpaplanong huwag siyang kausapin pagkatapos marinig ang kanyang mga sinabi.

Umusog ako ng kaunti sa kanya. Our skin touched. Muntik pa niyang mailayo sa akin ang braso nang sandaling lumapat ang balat ko sa kanya.

His hands are trembling. Panay din ang pagkamot niya sa kanyang ilong bawat segundo. Naiilang sa akin ngayon.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Ang dami mong panahon tapos hindi ka man lang nagkaroon ng tapang na umamin sa akin?" tanong ko pa ulit.

"Tss. Akala mo naman, madali? Hirap kayang umamin kasi hindi ko alam kung ganoon din ba ang nararamdaman mo."

"So takot kang baka hindi rin kita gusto? Kailan ka pa naging duwag?"

Mula sa hindi mapakaling itsura ay nauwi sa tila nanghihina na. Hindi niya pinilit ang sariling lingunin ako at nakuntento na lang na nakatingin ang mga mata sa kalangitan.

For me, he is not that kind of guy that has any potential of getting scared. Lagi naman kasi itong matapang tapos parang walang kinatatakutan pagdating sa akin.

I once doubted him about having feelings for me. Hindi ako nagpadala sa naging hinala ko dahil kahit minsan, hindi ko napansin na may pagtingin pala siya sa akin.

Ngayong alam ko na, wala namang dahilan para umiwas ako sa kanya. Dala na rin siguro sa pagkakaroon ko ng boyfriend, mas pinili na lang niyang tumahimik kaysa aminin ang nararamdaman.

"Sa nararamdaman ko lang naman ako nagiging duwag. Iba ang napaparamdam mo sa akin, eh," sagot niya. Napangiti ito ng bahagya.

Si Jacob iyong tao na kahit mukhang kinakabahan, nagmumukhang parang inosente pa rin ang mukha. Hindi nakakasawang titigan tapos parang hindi mo na maialis sa kanya iyong mga tingin mo.

"Bakit? Ano bang napaparamdam ko sa'yo?"

"Gusto mo ba talagang malaman?"

"Magtatanong ba ako kung hindi?" pagtataray ko sa kanya.

Natawa siya roon saka tila nag-isip pa ng pwedeng isagot sa akin. Iyong daliri niya ay nasa kanyang baba, hinihimas at mukhang marami-rami ang mga ideyang nasa isipan. Tapos ay napapahiyang napayuko at naabutan na naman ng matinding hiya.

"Tangina. Nakakahiya naman, Phoebe. Sinakto mo talaga kung saan solong-solo mo ako. 'Di tuloy ako makapag-isip ng maayos," he whined and then frowned a bit.

I smirked and then pinched his cheek. Napaaray siya sa ginawa ko at nakabusangot na naman ngayon.

"Gago. Nakikinig na nga ako, 'di ba?"

"Eh kasi naman..."

"Eh kasi ano? Matanda ka na! Hindi ka na bata para maging duwag," singhal ko. He scratched his head continuously.

"Eh kasi kinikilig ako. Bwisit naman. Umaamin ako rito tapos nakikisawsaw ka naman, eh! Ngayon na nga lang ang tamang oras tapos..."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now