Chapter 25

80 3 0
                                    

Upon reading his text, I immediately moved my car out of the school. Well, I don't know what he's up to. Isang private dinner lang naman iyong inihanda niya kaya bakit kailangan ko pang isuot iyong dress noong prom? I mean, simple lang naman iyon saka maganda tignan pero parang hindi naman angkop sa mangyayari maya-maya.

I drove fast until I reached our house. Si Mama ay nagluluto ng kung ano sa kusina pagkarating ko. Masyado pa namang maaga kaya walang problema kung magtagal ako sa bahay.

"Ma, may pupuntahan pala ako mamaya. Baka late na ako makauwi," paalam ko sa kanya. Hindi naman niya ako pinaghihigpitan sa mga ganitong bagay. As long as I am with Jake, she trusts me so much. Malapit na rin naman sa kanya si Jacob kaya wala siyang nagiging problema.

"Saan? Biglaan ba?" tanong niya sa akin. Napatango ako roon saka sandaling napakuha ng tubig sa pitcher. I drank a glass of water and then swallowed it first before continuing what I have said.

"Yes po. Kasama ko naman si Jake. Private dinner daw." Hindi ko lang alam kung kasama niya ba pamilya niya. Pribadong dinner lang naman kasi ang dinig ko sa kanya.

She stared at me and then her eyes went to where my bag's located. Ultimo ako ay napatingin na rin doon dahil sa mga mata niyang mapanuri.

"Hmm. Sa kanya ba galing iyan?" she asked me. Napansin niya iyong mga rosas na itinabi ko lang kanina doon sa bag. Mabuti't hindi pa ito nalalanta. I still have plans to put that in my vase.

Lumingon ako sa kanya ulit saka tumango ng mahina. I know that she knows what's the real deal between me and Jake. Na hanggang kaibigan lang pero mukhang kahit sa napansin ngayon, hindi na siya nagulat pa.

Jake's my best friend. Ni minsan, hindi ako nagkwento sa kanya tungkol sa kung ano ba ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko naikukwento kung may pagtingin ba ako kay Jacob.

Now that she saw the flowers, I know what she's thinking.

"Nanliligaw sa'yo?" Nagulantang ako sa tanong niyang iyon.

Ligaw? Parang hindi naman. He just confessed his feelings to me and now, I don't know if he's courting. I don't want to assume. Ang tanging alam ko lang naman sa kanya, gusto niya ako simula high school.

"Hindi naman po. Magkasama naman kami palagi pero hindi naman siya nanliligaw sa akin," paliwanag ko.

She stopped what she's doing. She stood right in front of me and then smiled sweetly.

Parang kay tagal nang hindi ko nakita sa kanya ang ngiting iyan pagkatapos mamatay ni Papa. That sweet smile's reminding me of how our family went from the happy one to being separated. How those sweet things turned to something that led our family to the moment that I never wished for.

"I can support you two. Hindi naman ako tutol sa kagustuhan mo. You can decision for yourself."

Natawa ako ng bahagya. Hindi pa nga nanliligaw sa akin iyong kaibigan ko. I know what she meant by that.

"Well, let's just see what will happen. Bukas naman ang sarili ko para sa kanya."

"Have you not fallen in love with him?"

My throat went dry. Mula sa matuwid na pagkakatayo ay tila bigla akong nabaluktot nang marinig iyon.

Kahit na ako nga mismo, hindi ko masagot ang tanong na iyan. Hindi sa naguguluhan ako sa kung anong nararamdaman ko, kundi dahil sa ayaw kong bumitaw ng isang salita na parang wala akong kasiguraduhan.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now