Chapter 37

126 5 1
                                    

Wala akong alam kung ilang oras ba ang naging tulog ko. I had enough with what happened to us last night. Pagkagising ko pa lang ay tumambad ang mukha kong may nanliliit na mga mata.

But one thing made me smile today. Bangag pa ako pagkagising pero nang sandaling makitang nasa tabi ko ang lalaking masyadong dinamdam ang nangyari kahapon, biglang napalis lahat ng kung anong pinag-usapan namin kagabi.

I kissed his cheek before I finally got out of the bed. Hinayaan kong sariwain niya ang masarap na tulog bago ako kumilos para sa aming dalawa.

Sinabihan ko ang mga pinsan kong huwag na masyadong mag-alala dahil narito naman na si Jacob. They also got worried about what happened yesterday. Maski sila ay hindi rin alam kung anong gagawin.

"Yup. We'll just sched our get together again. He's still asleep," sagot ko kay Jhared nang makatawag siya.

He called me to ensure that everything's right. Nag-offer pa itong pumunta rito pero hindi ko na hinayaan pa kasi mukhang magiging busy kaming pareho ni Jacob.

"Sure ka? Anyways, nag-alala rin si tita sa inyo. She thought something bad happened so I slept at your house last night. Sinamahan ko na kasi ayoko namang mag-hysterical ang mama mo." I sighed.

Paminsan-minsan naman akong pumupunta sa bahay pero sadyang ngayon ay madalang na.

We still have our conversations but it really feels different when I see her personally. Masyadong naging busy lang ako sa inaatupag ko ngayon.

"Sorry. You don't need to do that, Jha. Binigyan pa kita ng obligasyon tuloy."

"No. Hayaan mo na 'yon. At least, tita's safe and got a good sleep. Sinabi ko kasing maayos na kayo ni Jacob. Nabawasan naman ang masyado niyang pag-alala kahit papaano."

I nodded as if he can see me. Sa puntong iyon ay na-guilty na lang ako bigla.

As a daughter, I have this right to at least don't make my mother be nervous all the time.

Kapag kasi nalalamang may problema sa amin, parang kulang na lang ay puntahan niya ako para lang malaman lahat ng nangyari. Nag-aalala siya tapos natatakot kasi syempre, nag-iisa niya akong anak.

But she trusts Jacob. Kaya minsan, tuwing nag-aaway kaming dalawa ay inaalam niya ang dahilan. And after that, Jacob will apologize to her though I'm also at fault.

"Thanks, Jha. Punta na lang ako sa bahay mamaya." I ended the call and then prepared myself. Naligo na ako't lahat, hindi pa siya nagigising.

Mag-isa lang akong kumain ng almusal saka nang natapos ay nakuntento na lang sa paghalik sa kanya bago umalis.

I brought the car I drove yesterday. Pumasok ako sa trabahong halos inaantok pa. And gladly, medyo kaunti lang ang mga gagawin ko sa ngayon. Nagkape lang ako upang hindi ako antukin.

My other cousins flooded me with some messages. Kahit nasabihan ko naman na, hindi pa rin nakakampante.

I texted them that I am okay now. Tinapos ko lang iyon bago  inignora saka nagpatuloy sa ginagawa.

Pagkatapos ng ilang mga importanteng mga gawain, doon ko lang ulit naisipang tignan ang flying school na gusto kong pasukan sakali. I did some researches before I finally have my decision to where I will study.

Sa buhay ko kasi, kung hindi ako kikilos para sa mga pangarap ko, wala akong makukuha. I won't wait for another years to come for me to be able to learn what I want.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now