Chapter 8

5 0 0
                                    


Daniel's POV

Ramdam kong humigpit ang hawak saakin ni Faith nang makita niya ang daddy ko. Pero hindi halata sa mukha niya ang galit na paniguradong nararamdaman niya ngayon dahil nakangiti pa nga ito sa parents ko.

"Good evening." bati saamin nila mom and dad. Tumayo naman kami ni Faith. Hawak-hawak ko pa rin ang isang kamay niya. Kiniss ko sa cheeks si mom at tinanguan ko si dad. Nagulat naman ako nang biglang magbless kay mom and dad si Faith sabay sabi ng "Good evening po."

"Let us sit down." utos ni dad matapos nun. "Are you my son's girlfriend?" biglang tanong ni dad kay Faith.

Ako ang sumagot. "Yes dad, she is."

"Balita ko ay walang malay mo siyang dinala dito Luke. Is she pregnant already?" Napaubo si Faith nang tanungin yun ni dad.

"No dad. Masama na kasi kanina pa ang pakiramdam niya tapos pinilit ko pa siyang gumala kasama ako kaya ayun sabi ni doc sobrang napagod, she fainted." palusot ko kay dad. Sinabihan ko naman yung doctor kanina na huwag sabihin kay dad ang totoong kondisyon ni Faith kung sakaling tanungin nito eh.

"Is that true hija? Bakit ka pa ba sumama dito kay Luke masama na pala ang pakiramdam mo." biglang sabat naman ni mom.

"Sorry po mam, wala po kasi kaming klase at super gusto ko pong masulit ang time kasama si Luke kaya sumama po ako sakaniya." sagot naman ni Faith.

"Hay naku kayong mga kabataan talaga. Well hija, just call me 'tita'. You can also call Luke's dad 'tito'. Are you feeling fine now?" tanong ni mom.

"Yes po t-tita." sagot ni Faith.

"Akala ko pa naman magkaka-apo na kami. Ikaw pa lang ang kauna-unahang ipinakilala niya saaming girlfriend kaya excited ako. Ngayon lang namin nalaman na may girlfriend na pala siya. Nagdududa na kasi ako diyan kay Luke." Sobrang tawa naman ni dad matapos sabihin iyon. Sa inaasta ngayon ni dad. Hindi ko man lang makita sakaniya na kilala niya si Faith. Sino ang nag-utos sa mga lalaking yun kanina kung ganun? Magaling lang ba siyang magtago?

"Dad saan nga pala kayo nagpunta ni mom kanina?" tanong ko sakaniya. Paniguradong gusto din naman malaman ni Faith kung may kinalaman si dad sa nangyari kanina sakaniya.

"May inasikaso lang kami ng mom mo sa Tagaytay." sagot niya.

"You mean buong araw lang kayong magkasama ni mom?" pagkukumpirma ko.

"Yes." si mom ang sumagot. So wala ba siyang kinalaman talaga sa nangyari kanina? Hindi ko pa rin masigurado. Tss. Hindi ko din naman kasi alam ang tunay na nangyari kanina. Baka may nabanggit ang mga lalaking yun kay Faith.

"Hija do you want to live with us? Alam mo kasi nagsasawa na ako na puro lalaki ang nandito. Pangarap ko din talagang magkaanak na babae." biglang tanong ni mom kay Faith. "Well, yun ay kung ok lang din sa parents mo pala." dagdag ni mom.

Yumuko naman bigla si Faith. "My parents are now in heaven po."

"Oh I'm sorry hija. Hindi ko alam." Tumayo si mom at lumapit kay Faith. Niyakap niya ito ng mahigpit. Ano kayang nararamdaman ngayon ni Faith? "So sinong kasama mo niyan?" tanong ni mom.

"May brother pa po ako. Sa tita po namin siya nakatira ngayon." sagot ni Faith.

"So dun ka din sa tita mo nakatira?" mukhang curious tong si mom ah.

"Hindi po tita. Mag-isa po ako ngayon dun sa bahay na binili ko sa Villa Agustin. Mas malapit po kasi yun sa school, mas madali po saakin lalo na po at late po ako madalas makabangon." nagulat ako at sinasagot talaga ni Faith si mom.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Have Found Faith in YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon