Chapter 3

10 6 1
                                    


Faith's POV

"She's now mine. Only mine.Tekaaaa! Taympers!

Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Nandito kami sa harapan at hawak-hawak niya ang kamay ko. Nanaginip na naman ba ako? Ang bilis. Napakabilis!! Paano na ang mga plano ko? Hindi ko napaghandaan ang pangyayaring ito. Kami na agad... agad-agad.

"Ayieeeeeeee"
"Sayang naman si miss beautiful"
"Wohooo! Congratulations Alekza sinagot ka na hahaha"
"Pag sinaktan ka nyan akin ka"
Napatingin ako sa mga kaklase kong nang-aasar. Ganito ba talaga ang mga lalaki? Yung mga kaklase kong babae eh nakiki-ayieee din. Knowing na nasa private school ako at isa sa mga pinakamamahaling schools ito, hindi ko inaasahan na ganito ang attitude ng mga kaklase ko. Akala ko tahimik lang sila, yun bang walang pakialam. Masyado lang ata akong judgemental at nag-iistereotype. Hindi ko inisip na posible ang ganito. Or dahil ba sadyang nasa engineering na course ako? Sabi nila talagang active at maraming energy ang mga engineering students eh...pagdating daw sa kalokohan. Totoo nga ata hehe.

"Ok! Ok! That's enough! I'm happy for the both of you. I hope you know your priorities and limitations." sabat ni Prof Guzman. "Come back to your seats. There are still students who are not yet done with their introductions. Let's hear them." dagdag pa niya. Hindi ko sigurado kung masaya nga ba talaga si Prof para saamin dahil parang naiirita na ang tono niya.

Hinila niya ako pabalik sa upuan namin. Parang bigla akong nagsisi na tumabi ako sakaniya. Lahat halos ay nakatingin saamin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at gagawin ko. Ang awkward! Dapat nga ay masaya ako dahil boyfriend ko na itong Dela Vega na to. Mas napadali ang plano kong pagpasok sa buhay nila. Pero hindi ako kuntento. May mali eh.

Kaya ko lang naman sinabi yung kanina sa introduction ko dahil kailangan kong gumawa ng paraan para mapansin niya ako. Para tumatak sa isip niyang may gusto ako sakaniya. Tapos hindi ko na siya titigilan. Yun bang susundan ko siya lagi kung saan siya magpunta...kukulitin ko siya and then maiirita siya at sasabihin saakin na layuan ko siya. Bago ko naman siya layuan eh balak ko ay dramahan muna siya. Sasabihin ko sakaniya kung gaano ko talaga siya kagusto at pagkatapos noon ay lulubayan ko na nga talaga siya. Hindi ko siya papansinin kahit magkatabi pa kami o magkaklase pa. Parang babalewalain ko yun existence niya. Sinama ko pa sa plano yung haharangin kunwari siya nila seven at tatakutin tapos darating ako para iligtas siya at doon masusugatan ako ng kutsilyo pero hindi ko yun iindahin kunwari. Titignan ko kung may sugat siya at tatanungin kung ayos lang ba siya tsaka ako aalis na lang bigla kapag nasigurong okay siya. Paniguradong simula nun ay iisipin na niya ako at susubukan kausapin. Hahayaan ko muna siya nun tsaka sya kakausapin ulit. Magiging magkaibigan kami at dun na sya mafafall saakin. Makakapasok na ako nun sa buhay nila. Ganyan ang nasa plano ko kaya hindi ko talaga inaasahan ang ganitong kabilis na pangyayari. Sinabi ko lang na siya ang future boyfriend ko, bigla naman siyang nagreact at sinabing girlfriend na niya ako. Ang labas tuloy eh parang ako pa yung sinagot niya. Pinagtritripan lang ata ako nito!

"Hoy abnormal anong palabas yon?" lumabas na lang bigla yan sa bibig ko. Buti nga ay mahina lamang pero parang ang panget ng dating. Baka isipin niya ay hindi talaga totoo ang feelings ko pero ok na yun atleast nakapagsalita na ako. Ang awkward kasi sobra. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa harapan nang sabihin ko yun. Dinidistribute na kasi ni Prof un mga syllabus namin at may mga pinapaliwanag pa siya. Hindi ko din maintindihan, wala ang focus ko dun. 

"Ganyan ka ba sa boyfriend mo?" sagot niya. Kitang kita ko sa peripheral vision ko na tumingin siya saakin nang sabihin niya iyon habang nakasmirk pa. Aba matinde!

Tinignan ko siya. "Kung pinagtritripan mo lang ako ay itigil mo na. Wag mo itake advantage ang feelings ko para sayo. Seryoso ako at kung magkakarelasyon tayo ay sana yung hindi biro." Wow! Coming from me.

I Have Found Faith in YouWhere stories live. Discover now