Chapter 4

8 5 0
                                    


Faith's POV

I have been taught that trust is something you earned.

"How can I trust you?" tanong ko sakaniya.

"Trust is granted, not earned." sagot naman niya. "You should freely give your trust to someone. Nasakanila na nyan kung iingatan nila o sisirain yung trust na binigay mo. Kapag sinira nila then bumabalik sila at humihingi ng sorry, you should still give your trust on them but do not forget that they broke your trust once so posibleng maulit. Still trust them because whatever they did na ikinasira ng trust mo sakanila, they did it not to hurt you intentionally. They did it because they think that it is the best for them. Madalas inuuna ng tao ang kapakanan nila bago ng iba." dagdag niya.

Hindi naman ako nakaimik. Sinusubukan pa kasing iabsorb ng utak ko ang lahat ng sinabi niya. Magkaiba kasi kami ng prinsipyo. Saakin trust is earned, sakanya trust is granted. Hays sakit sa ulo.

"How do I explain it to you? I'm not sure if you were able to comprehend what I am saying to you. Ganito na lang, A while ago you said that you don't want to leave my side that is why you are taking the same course with me. I only know your name and we only met now but I trusted you and you didn't do anything to earn my trust therefore trust is granted not earned." biglang paliwanag niya. "Tss nevermind, I don't need to justify myself." inis niyang sabi. Natawa ako.

"Why are you laughing?" Tinignan niya ako saglit. Halata pa rin sa tono niya ang pagkainis.

"Nothing." I said pero natatawa talaga ako sakaniya. Nainis siya bigla sa sarili niya dahil nagpaliwanag pa siya about sa sinabi niya. Bakit nga ba kasi siya nagpapaliwanag? haha

"Well atleast I made you laugh. Try to laugh and smile more. Your beauty shines brighter when you do that." sabay tingin na naman niya saakin with matching ngiti pa. Ok hindi na nakakatawa.

Sumeryoso ako. Finocus ko na lang ang tingin ko sa daan na tinatahak namin ngayon. May point naman ang sinabi niya kanina. Kahit sinasabi kong trust is earned eh ito ako ngayon nagtitiwala agad sakaniya. Kusa kong binibigay yung trust ko. Trust is granted.

"I'll stop the car here." anunsyo niya. Huminto na lang kami basta sa kung saang parte nitong daan na baku-bako kahit mukhang hindi pa ito ang dulo ng daan.

"Huh? Eh daang bako at puno lang naman ang nandito." buwelta ko.

"You'll see." Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Come on!" Bigla ay hinila na lang niya ako papunta sa damuhan sa gilid ng daan.

"Hoy baliw ka na ba?" Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero mahigpit ang pagkakahawak niya. Napansin ko namang may trail sa damuhan. Hinayaan ko na lang siya. Umiwas-iwas pa kami sa sanga ng mga puno na nakaharang. Para kaming naghiking. Hiking na nga ata ang tawag dito.

"I told you we're going somewhere peaceful... here it is." Binitawan na niya ang kamay ko. Hindi ko naman mapigilang mamangha sa nasisilayan ko ngayon. May waterfalls at sa baba nun ay ang lake na pagkalinaw linaw ang tubig. Tanging maririnig mo ay ang huni ng mga ibon at ang agos ng tubig mula sa waterfalls. Ang sariwa pa ng hangin!

"I brought you here so you could relax. I want you to have some inner peace. It seems that something is bothering you. I can see it in your eyes." He said. Hindi ko na siya pinansin pa. Tinanggal ko na ang boots ko at tinaas ng hanggang tuhod ang pants ko. Uupo na sana ako sa may batuhan para ibabad ang mga paa ko sa lawa ng bigla siyang magsalita "Wait!" Inilapag niya ang black leather jacket niya sa uupuan ko. Hindi ko napansing hawak niya ito nung hinila niya ako kanina. "There you go."

I Have Found Faith in YouМесто, где живут истории. Откройте их для себя