Chapter 6

5 0 0
                                    

Faith's POV

Swerte pa ako at humihinga pa rin ako hanggang ngayon. Hindi ko makita ng malinaw ang kapaligiran ko. Umiikot pa rin talaga ang mundo ko. Paniguradong pampahilo ang usok na yun. Huling araw ko na ba dito sa mundo? Hays.

Nakaupo ako sa isang silya. Kung tutuusin ay madali lang dapat para saakin ang makawala dahil parehas lang na nakatali ng lubid ang kamay at paa ko pero sa sobrang hilo ko ay nanghihina talaga ang katawan ko.

Nagsisisi ako at hindi ako nag-isip ng tama bago ako sumunod sa dalawang lalaking yun. Naisahan tuloy ako.

"Tinawagan niyo na ba si boss?" tanong nung isang lalaki. Hindi ko masyadong mabilang pero sa tingin ko ay nasa lagpas sampu silang nandito. Naglalakihan ang mga katawan nila at all black talaga ang mga suot.

"Sabi ni boss eh may aasikasuhin muna daw siya. Antayin na lang natin." sagot ng isa pang lalaki dun sa nagtanong. Parang magkakamukha na sila sa paningin ko. Hays!

"Pre baka pwede muna natin paglaruan ang isang to." Nakangiting sinabi yun ng isa pang lalaki. Yung ngiting nakakatakot. Badtrip talaga!

"Huwag daw yan gagalawin sabi ni boss. Siya lang daw ang may karapatan sakaniya." maawtoridad na sagot ng isa pa. Nakakabaliw sila!

"Hoy! Sino ba yang boss na bi..na banggit ni...yo?" Maski pananalita ko ay hindi ko maiayos dahil sa kalagayan ko. Ano ba to?!

"Makikilala mo rin siya." sagot saakin nung isang lalaki. "Tara na! Sa labas ng kwarto na tayo mag-antay. Magbantay kayo!" utos naman niya sa mga kasamahan niya.

Naiwan akong mag-isa. Ang naaalala ko eh ipinasok nila ako sa isang kwarto na may malabakal na pinto. Sa tingin ko ay isa lang ito sa mga kwarto ng abandonadong gusali na ito. Ito na ang tyansa mo Faith! Mag-isip ka! Think!

Naalala kong nasa bulsa lang ng pantalon ko ang cellphone ko. Hay naku Faith!!! Hindi siguro napansin ng mga lalaki kanina dahil sakop ng cashmere sweater ko ang bandang bulsa ng pantalon ko. Hindi naman nila ako kinapkapan. Nasaakin pa rin talaga ang swerte. Pero hindi ko alam paano ko kukuhanin ang cellphone ko. Nakatali ang mga kamay ko sa likuran ng upuan at hilong-hilo pa rin talaga ako para gumalaw. Wala rin! Huhu nalusaw na siguro ang chocolate glaze ng doughnuts.

Hilong-hilo na talaga ako. Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay.






Screeeeeeech!






Dahan-dahang bumubukas ang pinto. May nakikita akong lalaki. Siya na ba ang pag-asa ko?

Bigla akong nanlumo nang marealize kong ang lalaki ay isa pala sa mga nakaenkwentro ko doon sa labas ng abandonadong lugar kanina. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto. Anong binabalak nito?

"Miss alam mo ba na kahit sumigaw ka ng sobrang lakas dito ay walang makakarinig sayo?" tanong niya.

"Hin..di ko alaaam." sagot ko.

"Gusto mong subukan natin?" Naglalakad siya papalapit saakin nang tanungin niya iyon.

"Masaya kung susubu...kan natin gamit ang si..gaw mooo!" sigaw ko sakaniya.

Tumawa siya ng malakas. "Gusto ko yang tapang mo. Napabilib mo ako kanina. Yan ang gusto ko sa mga babae eh, yung lumalaban." Nasa tapat ko na siya nang sabihin niya iyon. Halos isang metro ang layo namin.

"Hindi rin natin maririnig ang mga nasa labas kaya walang makakaistorbo saatin dito." nakangisi niya pang sabi. Naiiyak na ako. Mukhang pagtatangkaan pa ako ng bwisit na to. Ngayon pang nahihilo at nanghihina talaga ako. Wala akong magawa!

I Have Found Faith in YouWhere stories live. Discover now