Chapter 1

24 10 6
                                    


Faith's POV

Pinatay nila ang parents ko. Ang pamilya Dela Vega ang sumira sa buhay na mayroon kami. Kitang kita ng mga mata ko kung paano binaril ni Joaquin Dela Vega ang daddy ko habang ang mga tauhan niya ay nakamasid lamang na para bang normal na pangyayari na ang nasisilayan. Kung anong dahilan ni Don Joaquin ay hindi ko alam. Dahil ba sa business o sa mga ari-arian? O dahil lang sa pagnanasa? Wala na akong pakialam. Kahit ano pa ang dahilan niya ay mali pa rin ang kaniyang ginawa. Hindi makatarungan. Pinagsamantalahan pa niya ang mommy ko bago niya rin tuluyang barilin. At sa harap pa ng daddy ko! Baboy! Sariwa pa rin saakin ang mga ala-ala.

Flashback (6 years ago)

"Mommy! Mommy! Si Travince po oh! Sobrang kulit! Alam na nga po niyang I am busy with my assignments eh pinipilit pa rin po akong makipaglaro sakaniya"

"Faith, let him play with you kahit sandali lang. Miss ka lang nyan."

"Well, hindi ko po siya miss!"


Vroooooom! Vroooooooooom!


Narinig ko ang sunod sunod na tunog ng mga nagmamadaling sasakyan. Ang sakit sakit sa tenga lalo na at nandito lang kami sa living room. Ramdam kong huminto sila sa tapat ng bahay namin. At bakit?

"Quick! Quick! Quick! Babies hide here" anyaya samin ni mommy. Halatang natataranta siya. Natataranta na din tuloy ako. Tuwang-tuwa naman itong si Travince akala ata nakikipaglaro sakanya si mommy ng hide and seek.

"Don't come out okay until I return. Make sure you don't make any noises. Faith, take care of Travince." dagdag pa ni mommy. Kinakabahan ako. Dinala kami dito ni mommy sa loob ng study room na nasa tapat lamang ng living room. Sinara ni mommy yung pinto pero hindi niya ito nilock. Should I lock it?




Baaam!




What's that? Parang tunog ng bumagsak na pintuan. Mom! Dad! Gusto kong lumabas pero mommy told us na we should not go out of this room. What should I do? I think my parents are in danger! Mula rito sa study room ay may mga naririnig akong boses. Hindi ko naman ito maintindihan sa hina dala ng pagkakasara ng pinto.

"Joaquin!" sigaw ni daddy. Yun lang ang tangi kong naintindihan sa mga narinig ko dahil ito ay pasigaw na sinabi ni daddy. Sino si Joaquin? Bakit sumisigaw si daddy? Sinubukan kong makinig ng mabuti pero mga boses na hindi klaro ang mga sinasabi na naman ang naririnig ko.

"Tama na! Wala dito ang mga bata. Huwag mo na silang idamay pa. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari. Hindi namin sila tinatago sa iyo!" sigaw naman ni Mommy. Tekaaa... Sa tono ng huli niyang isinigaw ay para bang nagpapahiwatig siya. I can sense na sinadya niya yun sabihin pasigaw para marinig ko. Oh no!

"Vince, let's hide here so mommy won't easily find us" hinila ko si Travince sa ilalim ng study table na may cover ang harap at gilid. Malapit ito sa tabi ng pader. Mukha namang hindi paghihinalaan na may nagtatago dito. "Don't talk okay? Stay quiet." I told him.





Click!





Tumunog ang doorknob ng pinto. Paniguradong may pumasok. Tama nga ang hinala ko. Sinadyang isigaw ni mommy ang mga sinabi kanina para bigyan ako ng pahiwatig na kailangan naming magtago at huwag magpakita. Nakakarinig na ako ng mga yabag. Huhuhu huwag po sana kaming makita!

"Ano ba?! Wala sinabi dito ang mga bata. Pinahalughog mo na ang buong bahay at wala naman kayong nakita diba?"  Tumawa ng walang boses si vince. Akala ata niya ay sinasabi ni mommy kay daddy na hindi nila kami makita at natutuwa siya dahil pakiramdam niya ay mananalo kami sa larong hide and seek.  Shhhh... senyas ko kay vince. Hindi dapat kami makagawa ng kahit anumang ingay. 

I Have Found Faith in YouWhere stories live. Discover now