Chapter 5

5 5 0
                                    

Faith's POV

"Attention students! I am sorry to announce that afternoon classes are suspended. According to our president, his meeting with your professors is still on going and it will not end anytime soon. Regular classes will surely start tomorrow. Study in advance. Have a good day ahead!" Lahat kami ay nakinig sa school speaker nang may biglang mag-anunsyo. Nasa canteen pa rin kami at halos katatapos ko lang kumain.

"I knew it!" Nagulat naman ako sa sigaw ni Daniel. "My dad told me that the officials are having a hard time dealing with the number of enrollees right now. Napadami daw ang students na nag-enroll ngayong taon at hindi pa ata nila naayos yung schedules talaga ng mga professors. Siguro right now, they are trying to solve that problem." pagpapaliwanag niya.

"Ohh I see. Sana ay inannounce na nila ng mas maaga." reklamo ko sakaniya

"Ayaw mo nun? You get to spend more time with me." Nakangiti pa siya nang sabihin niya iyon. Ibang klase!

"Wala ka bang ibang gagawin?" tanong ko sakaniya

"Hmm... Why?" tanong niya rin. Lagi na lang niya akong tinatanong rin kapag tinatanong ko siya. Sagutin muna sana niya yun tanong ko. Ako yung unang nagtatanong eh.

"Baka kasi may importante kang gagawin... Ok lang naman ako. Hindi naman porket sinabi kong I don't want to leave your side eh hindi na talaga ako aalis sa tabi mo literally." sinabi ko iyon at tumawa siya. Nakacrossed arms pa. Abnormal ngang tunay!

"Yeah I know that, It's me who wants you not to leave my side literally." sabi niya.

"Ano yun? Isasama mo ako lagi kahit saan ka magpunta?" buwelta ko sakaniya

"Why not?" Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. May sakit na ata ito sa pag-iisip.

"Baliw ka ba?! Kahit sa comfort room isasama mo ako ganun? Manyak ka ata eh. Uuwi din tayo mamaya, magkakahiwalay din tayo. Hindi ako laging nasa tabi mo noh." sigaw ko sakaniya.

"Then live with me." Napailing ako sa sagot niya. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Seryoso ka?" tanong ko bigla sakaniya.

"Yes. Mas safe ka kung kasama mo ako." Hindi ko maintindihan yun sinabi niya.

"S-s-safe s-saan?" nauutal kong tanong

"From anything that can hurt you. I just want to protect my girlfriend. I just want to ensure your safety." May kung ano sa mata niyang nagsasabing seryoso siya sa sinasabi niya. Hindi ko naman alam ang sasabihin.

"Alam mo abnormal ka talaga!" Medyo natatakot na ako sa isang to. Baka naman may sakit siya?

"Don't you want to live with me?" Hindi ako agad nakasagot sa tanong niyang yun. Inaalok niya akong tumira kasama siya at mukhang seryoso talaga siya. Opportunity na to para tuluyang makapasok sa buhay ng mga Dela Vega pero nakakakaba naman tong lalaking to. Talaga bang kailangan niya lang ng taong makakapagbigay ng oxygen sa suffocating world niya at sa tingin niya ako yun or may mas malalim pa siyang dahilan? Nahulog na ata nga ako sa patibong. Pero imposible. Sigurado akong walang makakakilala saakin. Anong mangyayari kung tatanggihan ko siya? Hihiwalayan niya ba ako?

I Have Found Faith in YouWhere stories live. Discover now