Chapter 7

5 0 0
                                    


Faith's POV

Awww ang sakit ng ulo kooo. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Nagulat ako nang mapansin kong wala pala ako sa kwarto ko. Hindi pamilyar saakin ang kwartong ito pero ang amoy na umaalingasaw dito ay pamilyar saakin.

Inalala ko kung anong nangyari kanina. Ang huli kong natatandaan ay yakap ako ni Daniel at hilong-hilo talaga ako sa mga oras na iyon. Oo tama! Si Daniel ang huling kasama ko kanina. Tekaaaaa ngaaa... Nasa kwarto ako ni Daniel?! Ano bang nangyari bakit ako napunta dito?

Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Daniel. Speaking of! Lumakad siya papunta sa tabi ng kama. Nakapamulsa siyang tumayo doon. Nakajogging pants at t-shirt lamang siya. Mukhang bagong ligo. "Gising ka na pala." biglang sabi niya.

Tumango lamang ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung anong sasabihin ko sakaniya. Sa totoo lamang eh maraming tanong ang umaandar sa isipan ko ngayon.

"Pinahahanda ko na ang dinner. Antayin na lang natin. Gusto mo bang dito na lang kumain?" tanong niya saakin.

Dinner? "Anong oras na ba?" nagtataka kong tanong sakaniya. Bakit dinner?

"It's almost 7pm." sagot niya. Napabangon tuloy ako mula sa pagkakahiga ko. Yung bangon na napaupo ako mula sa pagkakahiga.

"Whaaaaaaat?!" Lahat ata ng natitira kong energy ay ibinuhos ko sa sigaw kong iyon. Hindi kasi ako makapaniwala. Gaano ba ako katagal natulog? Halaaaa sila six!

Kukuhanin ko na sana ang cellphone ko sa bulsa ng pants ko nang mapansin kong iba na pala ang suot ko. Nakaterno na akong pantulog. Aba matinde!

"Paanong naging ganito ang suot ko? Sinong nagpalit saakin?!" tanong ko sakaniya. Hindi talaga ako makapaniwala

"Kung hinahanap mo ang cellphone mo, nasaakin." Inilabas niya ang cellphone ko mula sa bulsa niya at inilapag ito sa gilid ko.

Kaagad ko naman itong kinuha. Sandamakmak ang messages at calls. Hays!

"I'll check the food if it is ready. Dito na lang tayo kumain." sinabi niya iyon at naglakad na siya papalabas ng kwarto. Anong gagawin ko nito?

"Hoy teka!" sigaw ko sakaniya pero huli na dahil nakalabas na siya ng tuluyan. Hays paano napunta sakaniya ang phone ko? Bigla tuloy akong kinilabutan sa naisip ko. Sana ay hindi siya ang nagpalit ng damit ko at inabot lamang sakaniya ng maid nilang babae itong phone na nasa bulsa ng pants ko. May maid nga ba silang babae? Sana meron at yun ang inutusan niyang magpalit ng damit saakin. Hays talaga!

Tinawagan ko na lamang si six habang wala pa si Daniel. "Hello?" bungad ko nang sagutin niya ang tawag ko.

"Hoy zero! Pinag-antay mo kami sa wala! Pinag-alala mo pa kami! Ni hindi ka man lang sumasagot sa calls namin kanina sus. Hinanap hanap ka pa namin pero mukhang wala ka rin sa bahay niyo. San ka na naman nagsususuot?!" sagot sakin ni six. Galit na galit?

"Mahabang istorya. Sasabihin ko na lamang kapag nagkita na tayo. Sorry kanina may hindi inaasahang pangyayari lang. Lilibre ko na lang kayo sa susunod para makabawi. Umuwi na kayo nyan ah. Pasensya na talaga." sabi ko kay six.

"Sus! Sige sige. Mukha ka namang okay. Bogus ka bogus! Magkita na lang tayo sa korte at magpaliwanag ka doon. Tawagan mo na lang ulit kami sa susunod." binaba na niya ang tawag matapos niyang sabihin iyon. Natawa ako. Buti na lamang at madali namang kausap yung mga yun. Sadyang nanenermon lamang talaga kapag may nagawang pagkakamali ang isa saamin. Pero nakakahiya talaga na pinag-antay at pinag-alala ko pa sila. Hays! 2 hours? Pahamak kasi yung mga lalaking yun!

I Have Found Faith in YouOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz