Chapter 31

338 21 6
                                    

Chapter 31: Red Folder

Lumipas ang tatlong araw at ganoon pa rin ang kaganapan. Puro activities lang ang iniiwan ng mga teachers sa amin. Pati na rin ang ibang mga estudyante ay tila may pinaghahandaan.

Naging tahimik din ang mga estudyante tungkol sa mga nakapasok noong nakaraang linggo. Tila mas pinaghahandaan nila ang tungkol sa Red Holiday na siyang gaganapin na bukas.

Kita sa mukha ng iba ang takot para bukas habang ang iba naman ay kabaliktaran nito.

Seems like most of the people are excited about tomorrow. Mukhang sabik na sabik na silang makapaghiganti sa kung sino man ang may atraso sa kanila.

Nagkibit balikat ako. I don't have a reason to participate the killings tomorrow so far. Wala namang gumalit sa akin simula nang pumasok kami ni Yugen dito. And besides, I can't kill as much as I want to anyway.

Lahat ng members ng student council ay busy pa din. Lagi silang may meeting and as usual, hindi ako kasama.

Nasa bench ako habang tingin ng tingin sa aking selpon. Alas dose na nang tanghali at hanggang ngayon ay wala pa si Yugen dito. Siya ang nag aya na sabay kaming mag lunch pero siya eto ngayon ang late.

She's never late nung nasa Italy pa kami pero napapansin ko na simula netong pumasok kami sa paaralang ito ay tila lagi siyang late.

Nagkibit balikat na lamang ako. Pag siya wala pa ng sampung minuto ay iiwan ko na talaga siya. She knows that time is important to me. For the saying says, time is gold.

I was swinging my feet while I was waiting for her. I'm not really that tall. Sa totoo lang ay hindi ako katangkaran. That's why my brothers are still treating me as a kid.

Napatingin ako sa may hagdanan sa loob ng school. Maraming mga estudyante ang nagkukumpulan doon. Maya maya ay bumaba si Shaun kasama ang lahat ng Student Council.

Nasa gitna siya habang sinusundan lamang siya nila. Walang emosyon ang kaniyang mukha. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa kaniyang bulsa. Magulo rin ang kaniyang buhok na tila wala nasuklayan ng ilang araw. Di rin nakaayos ang kaniyang polo at hindi nakatirintas nang maayos ang kanyang necktie.

Does he even care about his looks? Sa itsura niya ngayon ay tila natulog siyang naka uniporme at bagong gising lamang. Bagot siyang naglalakad sa hallway na tila walang mga estudyante ang nakatumpok sa kanila.

Tinignan ko rin ang ibang miyembro ng student council. Si Chase at Niell ay ngiti ng ngiti sa mga babaeng nadadaanan nila. Si Zachary naman at tahimik lamang na nasa gilid ni Shaun. Si Garett ay nakatutok sa kaniyang selpon at tila naglalaro. Si Liam at Nathalie ay nakasunod lang sa kanila at base sa kanilang seryosong mga mukha ay parang may pinag uusapan silang importante. Si Athena naman ay naka eleganteng naglalakad at iniirapan ang lahat ng estudyanteng nakikita niya.

Akala ko ay sila lang ngunit nakita ko si Gray sa may pinakalikod nila at prenteng sumusunod lamang sa kanila. Naka suot siya ng earphone habang ang isang kamay niya ay nasa loob ng kaniyang bulsa.

Muli kong pinagmasdang ang buong Student Council. Even the way they walk speaks power. Sa unang tingin mo pa lang ay alam mo nang makapangyarihan sila. No one would dare to go against them.

I came to realized one thing. I hate to admit it but this mission is the most difficult one so far. If I'm going against the Darshall family then I'm going against all the family members of the Student Council.

Even though this mission is hard, I'm not gonna disappoint my parents. I'm gonna make sure to achieve this one.

Napakurap ako nang biglang nag vibrate ang aking selpon. Tinignan ko ito at nakitang nag text si Yugen sa akin.

From: Yugen

Papunta na ako jan heh

Napailing na lamang ako sa aking nabasa. Di ko alam kung saan siya galing pero base sa kaniyang text ay halatang may ginawa itong kalokohan.

Di naman nagtagal at maya maya ay dumating na siyang hingal na hingal galing sa kaniyang pagtakbo.

"Saan ka galing?" tanong ko

Hinila niya ako sa malapit na puno na katabi ng bench na inuupuan ko. Pasimple pa siyang tumingin sa paligid kung may tao ba na makakarinig sa amin.

Base sa kaniyang kilos ay alam ko na kung ano ang nangyayari.

"Did you discovered something?" tanong ko kaagad.

Tumango naman siya.

"Papunta na sana ako dito sayo kaso nung dumaan ako sa hallway kung saan patungo ang office ni Principal Victoria ay nakita ko siya kasama ang isang babae ay kaagad akong nagtago" aniya.

"Who's with her?" tanong ko.

"It's Lelaine Darshall" sagot niya.

Sandali akong napatahimik at makahulugan akong tinignan ni Yugen.

Lelaine Darshall.

"Don't you mean---"

"Yes, Shaun's mother" putol niya.

I knew it. Why is she here? What kind of business does she have with Principal Victoria?

"Pero bakit siya nandito?" tanong ko.

"I can't really hear what they are saying because of the thick door but I heard them talking about Shaun... and when im about to go, I also heard them saying your parents name" paliwanag niya.

Sandaling kumunot ang noo ko. Anong pinaguusapan nila at kasali doon ang pangalan nila mom at dad? Is it about their alliance? Or is it something more?

"Did you hear anything other than that?" tanong ko.

Muli siyang tumango.

"The last thing I heard from them is that they are discussing about a certain document....something like a red folder. I heard Principal Victoria's voice saying that the red folder contains information that they'll need when the time has come" dagdag niya.

Time has come? Does that mean that they are planning something against us?

"So, does this mean that Principal Victoria is an ally of the Darshall's?" tanong ko sa kaniya.

Tumango naman si Yugen. "I think she is"

"So what do we do now?" tanong niya.

Sandali akong natahimik.

"Let's not talk here. Let's go back to our dorm" ani ko. Sumunod naman siya.

"But how about our lunch?" aniya.

"We can eat instant noodles in our dorm, Yugen. Don't be picky today" sagot ko.

Wala naman siyang nagawa kungdi ang tumango. Mabilis kaming nakarating sa dorm. Agad akong nagluto ng instant noodles at inihain ito sa lamesa.

Habang kumakain ay sandali muna akong napaisip sa kung ano ang gagawin namin.

"Do you have anything in your mind, K?" biglang tanong ni Yugen.

Dahan dahan naman akong tumango.

"Yes, we need to get that red folder as soon as possible" sagot ko.

"But when?" tanong niya.

"Tonight" agad kong sagot.

"Pero bukas na ang Red Holiday. Isn't it too sudden?" aniya.

"We need to get it asap before they take it somewhere else. Here's the plan. I need you to go to the rooftop...." umpisa ko.

"Why the rooftop?" tanong niya.

"Mas kita doon ang buong campus kapag nasa taas ka. You are the lookout. Sasabihin mo sa akin kung may tao na paparating sa office ni Principal Victoria. I will be the one going to get the red folder inside her office." paliwanag ko. Tumango naman siya.

"Sure. But I want you to be careful, K. We still have troubles to meet" aniya.

Ngumiti naman ako sa kaniya. "I know"

To be continued...

Sylvian High: School for Underground  Society ✔Where stories live. Discover now