Chapter 38

252 14 5
                                    

Chapter 38: Worried

"––That you love him?" sabay kaming napalingon ni Yugen sa nagsalita.

This guy. When did he come in?

Hawak hawak ni Gray and isang apple habang nakatitig dito. Nakaupo siya sa isang nakabukas na bintana at naka dekwatro pa.

How come we didn't notice him? I was probably preoccupied that I didn't even sense him.

Umalis siya sa pagkakaupo sa bintana at naglakad papalapit sa amin. Kumagat pa siya ng isang beses sa mansanas na dala bago mahinang tumawa.

"Damn, that Shaun. Fucking lucky guy. Motherfucker didn't even let me move." aniya na siyang umiling iling pa.

Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha at mariing tumingin sa kaniya. Ibinalik niya rin ang tingin sa akin ng makitang seryoso ko siya tinignan. This guy just got inside without us noticing. He must be incredibly skilled.

"What?" tila maang maangan niyang tanong habang tinaasan pa ako ng kilay.

Akmang magsasalita na sana ako ng umabante si Yugen sa aking harap. "Why are you here?" tanong niya.

Nabaling ang tingin ni Gray kay Yugen na siyang nagsalita. Hindi sumagot si Gray at naglakad lamang papalapit sa amin. Huminto siya ng isang metro nalang ang aming pagitan. He let out a small smirk.

"Well if it isnt obvious that I came to check for a certain person..." He let out a quick glance at me. "...which got me all worried but all I heard is a confession" aniya at mapaklang tumawa.

Napakunot ang aking mga noo. What is he talking about? Hindi ko naiintidihan ang bawat salita na kaniyang sinasabi. What does he meant by that?

"Gray---" naputol ang aking sasabihin nang biglang may kumatok.

Akmang itutuloy ko sana ang aking sasabihin nang bigla na lamang lumapit si Gray sakin. Ilang pulgada na lamang ang aming pagitan kaya sa gulat ay napatulak ko siya. Hindi siya umimik at may kinuha sa kaniyang kaliwang bulsa.

Kinuha niya ang kanan kong kamay at iniabot sa akin ang isang pirasong mint candy. Napakunot ang aking noo sa kaniyang ginawa at tumingin sa kaniya.

I was waiting for him to talk but he just gave me a quick smile before running out of the window. Akmang tatawagin ko sana siya nang bigla na lamang siyang tumalon.

Wala akong nagawa kungdi nanatiling nakatayo habang gulo ang isip sa kaniyang kakaibang inakto. Sandali akong napatitig sa mint candy na kaniyang ibinigay.

Ilang minuto ako natulala sa aking kamay nang biglang may pumasok. Sabay kami ni Yugen na napalingon. Iniluwal nito si Zachary na magulo ang buhok na tila bagong gising. Kaagad dumako ang tingin niya sa akin.

"Kira, you're finally awake. Is your head okay?" tanong niya at kaagad na lumapit sa akin.

Tumango naman ako. Nandoon pa rin ang sakit nang aking ulo pero hindi na siya ganon ka sakit tulad kanina. Parang nawala ata ito dahil sa aking pagiyak kanina.

"How many hours was I asleep?" tanong ko kay Zachary.

"You were asleep for a day, Kira" sagot niya sa aking tanong.

Kaagad namang lumaki ang aking mata. I was asleep for a day? Wow, that must've been the longest sleep I've ever had in my entire life. Simula bata pa ako ay laging madaling araw ang aking gising upang magsimulang mag ensayo. Hanggang gabi ay puro ensayo at activites ang aking hinaharap araw araw. It's not like I was forced to do it since I'm a child. Talagang presenta akong nageensayo sa dahilanang gusto kong maging malakas.

Sylvian High: School for Underground  Society ✔Where stories live. Discover now