Chapter 18

306 22 0
                                    

Chapter 18: Commotion

12:30am na nang maka-uwi kami ni Yugen sa dorm. Pagkapasok namin ay kaagad siyang humiga at tila pagod na pagod.

"I'm so tired! The fight was so boring" reklamo niya habang naka tingin sa kisame.

"Then why bother watch?" tanong ko sa kaniya habang hinuhubad ang sapatos ko.

"Wala lang, mas boring kaya kapag ako lang mag-isa dito" aniya.

Tumayo siya at umayos nang upo bago tumingin sa akin. "Kamusta ang sugat mo? Lumala ba? Teka, gagamutin ko" tatayo na sana siya ngunit pinigilan ko.

"Wag na, ako na" sabi ko at nauna nang tumayo sa kaniya para kunin ang health kit na nasa kusina. Pagkabalik ko ay nakita ko siyang nakasandal sa higaan niya at may hawak hawak na cellphone.

Muli akong umupo sa higaan ko at binuksan na ang health kit. Habang ginagamot ang sarili ay tinanong ko siya.

"Hey, Yugen. If you're bored, why won't you join the battle?" tanong ko sa kaniya.

"Erm, a disguised like what you did?" tanong niya sa akin. I nodded.

Nagkibit-balikat siya. "I don't feel doing that right now. Maybe sa susunod" sagot niya.

I just shrugged and continued healing myself. Pagkatapos ay nilagyan ko ito ng gauze. Napatingin ako kay Yugen na ngayon ay naka kunot ang noo na nakatingin sa hita ko.

"That'll be pretty obvious" aniya. Di ko siya pinansin.

Tamang tamang hanggang tuhod lang namin ang medyas namin and my wound is one inch above the knee so the gauze is pretty obvious.

"So what?" sagot ko na lamang at nauna nang nahiga sa kaniya. Maaga pa ako bukas.

Kinabukasan ay sabay kami ni Yugen na pumasok sa school. Ilang minuto pa kaming naghintay bago pumasok ang professor namin.

As usual, bored na bored ang buong klase. Sino ba naman ang di mabo-bored eh unang subject palang ay math na kaagad.

Isang oras at kalahati din ang nagdaan bago natapos ang klase. Akmang papaalis na sana ang guro nang biglang bumukas ang pinto at tamad na pumasok ang grupo nila Shaun. Kaagad napadako ang tingin ko kay Shaun at natamaang nakatingin rin ito sa akin kaya kaagad akong umiwas ng tingin.

Galit na tingin ang ibinigay ng guro sa kanila. He's probably angry that they're super duper late. Saka lamang pumasok nang tapos na ang klase. Di siya binigyan nang tingin ni Shaun at simple lamang itong naglakad papaupo sa upuan niya. Tahimik naman na sumunod ang tatlo sa kaniya.

Natapos ang buong araw na bored ang lahat. Tila lahat sila ay di nakinig sa mga lessons. While me, it doesn't really matter if I'm listening or not. I can answer questions without listening as long as I read the book. For me, reading is more knowledgeable than listening.

Ang iba kasi ay tamad magbasa o di kaya ayaw talaga nila magbasa. I'm very fond of reading books while most of the people are not. I don't know why they hate reading. It's basically the most fun thing to do.

Nang natapos ang klase ay inaya ko na si Yugen na mag lunch. Sabay kaming naglalakad sa hallway papuntang cafeteria ng may napansin kaming grupo ng mga estudyante sa na nasa baba. Nasa may gilid sila ng isa pang building malapit sa wall. Tila may kaguluhan. I was about to ignore them nang bigla akong hilahin ni Yugen.

"Tignan natin kung anong meron!" aniya habang hinihila ako pababa ng building namin.

"I don't want. Kung gusto mo, ikaw na lang" sabi ko sa kaniya at akmang babalik sana paakyat ng muli niya hinila ang kamay ko.

Sylvian High: School for Underground  Society ✔Where stories live. Discover now