Chapter 27

307 20 0
                                    

Chapter 27: Those Three Girls

Kasalukuyan akong nagluluto ng omelette ngayon dahil tanging itlog lang ang pwedeng maluto sa ref nila. I don't really know how to cook but at least I know how to make a omelette. Si Kuya Kilton ang pinakamagaling mag luto sa pamilya namin. Si Kuya Kidd naman ay obvious na puro lamon lang ang alam. Minsan, kung may time si Kuya Kilton ay siya ang nagluluto ng umagahan namin.

"You know how to cook a omelette? " tanong ni Shaun na nasa gilid ko at pinapanood lamang akong magluto. Tapos na siyang maligo at basa pa ang kaniyang buhok.

I nodded. "Yes" napanood ko lang sa youtube kung paano magluto ng omelette. Di naman siya ganon kahirap.

Tumango tango lamang si Shaun habang nagpapatuloy pa rin ako sa pagluluto.

That makes me uncomfortable. Nakakailang pag pinapanood ang iyong mga galaw. It makes me uneasy. Baka mamaya masunog ko pa tong niluluto ko dahil nakakailang ang mga titig niya. Why is he watching me anyways?

"Do you know how to cook omelette?" tanong ko na lamang para di kami mamayani ng katahimikan.

Kaagad tumawa sa Niall na nasa may counter lang at naglalaro ng kung ano sa cellphone niya. Narinig niya ata ang sinabi ko.

Tumingin si Niall sa akin. "Kung alam mo lang, Kira. Siya ang chef namin dito!" aniya.

Oh, so he cooks? That makes me a little shocked. Wala sa itsura niya na nagluluto siya. I mean, he could've ordered their maids to cook for them.

Sa wakas ay umalis na si Shaun ng tawagin siya ng kababa lang na si Zachary. May pinaguusapan ata silang importante. Maya maya naman ay bumaba na rin si Garett na pinupunasan pa ng towel ang basa niyang buhok. Siya naman ngayon ang lumapit sa akin at pinanood akong magluto.

"Wow, omelette!" parang bata niyang saad ng makita kung ano ang niluluto ko.

"Marunong kang magluto, Kira?" tanong niya.

Tumango naman ako. Sort of. Bakit parang ang big deal para sa kanila kung marunong akong magluto or hindi?

"I like girls who knows how to cook. Sa dinami daming babaeng dinadala ni Niall dito ay ni isa sa kanila di marunong magluto" ani niya.

Nagulat nalang ako ng biglang may sumulpot sa likod ko at kaagad na hinila si Garett palayo sa akin.

"Fvck! Ba't bigla ka naman nanghihila?!" mura ni Garett kay Shaun na ngayon ay nasa tabi ko na.

Masama siyang tinignan ni Shaun.

"Get lost. Kira is cooking, you're too close" aniya at binalewala lang ang sinabi ni Garett sa kaniya.

Napahawak si Garett sa kaniyang batok.

"What the hell, dude? Di kana malapit niyan?" sarcastic na sabi ni Garett at tinuro pa kami.

"Just fvcking mind your own businesses, Garett" aniya.

Walang nagawa si Garett kungdi ang umalis na lang at lumapit kay Niall na naglalaro pa rin sa kaniyang cellphone.

Tumikhim ako.

"Go get the plates, Shaun. Malapit na akong matapos. Last na to" utos ko sa kaniya.

Tumango naman siya at kaagad na kumuha ng mga plato at inilagay ito sa lamesa.

"Yow, fuckers. Breakfast is ready" mura niya sa tatlo.

Minura din siya ni Niall pero sumunod din ito. Nakaupo na silang apat. Inayos ko na ang omelette na niluto ko at inihain ito sa lamesa.

Kaagad silang kumuha at nagsimula ng kumain. Tinignan ko isa isa ang kanilang expresion kung okay lang ba ang niluto ko. Mukhang di naman masama ang lasa base sa mukha nila so nagsimula na rin akong kumain.

Sylvian High: School for Underground  Society ✔Where stories live. Discover now