Chapter 4

376 25 0
                                    

Chapter 4: Started

6:20 ay gising na ako. Naligo ako at ginawa ang mga morning rituals ko bago nagbihis ng uniporme.

Their uniform is quite nice. The color is black. Their skirt is three inches above the knee.

Pagkatapos magbihis ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na para kumain. Pagkababa ko ay may nakahanda ng pagkain sa lamesa. Umupo ako at nagsimula ng kumain.

Maya maya ay bumaba si Butler Greed.

"Young Lady, ingat po kayo doon" aniya.

"Sure thing, Butler Greed. Kayo na bahala dito sa bahay. Tatawagan ko nalang kayo kung may kailangan ako" sagot ko naman. Pagkatapos non ay muli na siyang umakyat sa taas.

Pagkatapos kumain ay tumayo na ako at lumabas na ng bahay. May kotseng nakahanda na sa harapan. Pumasok ako dito at nagsimula ng bumyahe ang sasakyan.

Tumingin ako sa side window ng sasakyan. Nasa city pa kami, maya maya ay nasa gubat na.

Naka tingin lang ako sa bintana buong byahe. Mga 30 minutes siguro bago kami nakarating sa gitna ng kagubatan.

May malaking gate sa harapan namin. Bumaba ang driver at may sinabi dun sa speaker na nasa gilid ng gate. Ilang minuto lang ay muli siyang pumasok sa sasakyan.

Unti unti namang bumukas ang malaking gate. Dumiretso naman kami. Pagkapasok namin ng gate ay may mahaba pang daan bago tuluyang makapasok ng school.

Ilang minuto din ang nakalipas ng makarating kami ng campus. Lumabas na ako ng sasakyan.

"Young lady, dumiretso daw po muna kayo sa Dean sabi ni Butler Greed" sabi sakin nung driver. Tumango nalang ako bago siya tuluyang umalis.

Tumingin ako sa kabuoan ng campus. I didn't know that Slyvian High would be this big and luxurious.

Napansin ko namang may mga matang nakatingin sa akin.

"Oh a transferee"

"What class is she in?"

"Maybe in the lower class. Look at her, so normal"

Yan ang mga bulungan na narinig ko. It's not actually a whisper kasi rinig na rinig ko hanggang dito.

Hindi ko nalang sila pinansin. As I promised Dad, I won't do anything reckless that may reveal my identity.

Hinanap ko ang Dean. Di katagalan ay nahanap ko naman ito. Buti nalang di ako naligaw.

Kumatok ako ng tatlong beses.

"Pasok" sabi ng isang matikas na boses.

Binusan ko ang pintuan at pumasok na. The room is filled with luxurious things. Sa gitna naman ay isang lalaking nasa 40's ang nakaupo.

Tumingin siya sa akin. "Sit first. Are you the new transferee? What's your name?" tanong niya.

Umupo naman ako sa visitor's chair at tumango. "Yes I am. My name si Kira Monteverde" sagot ko.

Tumango tango naman siya at may ibinigay sa akin na folder at susi. "That's your schedule and the key to your dorm. Nakalagay na jan sa susi kung anong number ang room mo. Sa ngayon ay wala ka pang kasama sa dorm" paliwanag niya.

Tumango ako at tinignan ang number na nakalagay sa susi.

C Class 215

Of course, C class ang role ko dito. I need to act like one.

Nagpaalam na ako sa kaniya at tatayo na sana nang may ibigay siya sa aking pocket book.

"Nakalagay jan ang Rules and Regulations ng School. Nanjan na din ang mga impormasyong kakailangin mo about sa Sylvian High" pahabol niya.

Sylvian High: School for Underground  Society ✔Where stories live. Discover now