Chapter 21 : Safe Area

167 16 0
                                    

21 : Safe Area

Eunice's P.O.V.,

"Sa k'wento ni Roger Waines, 2018 pa nang magkaro'n ng gulo sa pag-aaral nila hindi ba? Two years ago, maraming taong namatay dahil sa gamot na nilikha nila?" saad ko dahilan para mapatingin sa akin si Richard. Mas gusto niyang tawagin siya sa pangalan kaysa sa propesyon niya.

"Tama," aniya bago tumango. Bumalik siya sa paghuhugas ng mga gulay na dala-dala niya nang makasalubong namin siya sa daan. Narito na ulit kami sa kusina at kasalukuyang naghahanda ng para sa kakainin namin mamayang tanghali.

"Kung dalawang taon na ang nakakalipas nang pumalpak ang ginagawa nilang gamot, bakit ngayong taon lang lumaganap 'tong sakit na 'to? Bakit hindi no'ng 2018 pa?" curious kong tanong.

Tumigil si Richard sa ginagawa niya at hinarap ako. "Actually, nagsimula na ang sakit na 'to no'ng 2018 pa lang. I think na-explain ko na 'yon kanina," aniya. "Unlike this year, hindi lumobo ang kaso ng Sych-020Di two years ago. Because of global warming, mas doble ang mga bagyo ngayong taon, and I think isa 'yon sa mga dahilan kaya na-trigger ang sakit ngayon."

Huminga ako ng malalim bago tinuon ang atensyon ko sa paghihiwa.

Gusto kong alisin ang isip ang mga nalaman ko ngayon, pero hindi ko magawa. Para bang hinahatak ako nito para mas lalong ma-curious. Parang gusto ko pang malaman ang lahat ng detalye. Pakiramdam ko may kulang pa sa mga nalaman ko, at hindi ko alam kung ano 'yon.

"Eunice, hey." Tinapik ako ni Charles kaya agad akong napatingin sa gilid ko kung nasaan siya.

"Bakit?" tanong ko.

"Kung hindi pa kita tinapik, daliri mo na 'yang mahihiwa mo," seryoso niyang sabi. "Ako na nga riyan, doon ka muna sa sala. Samahan mo si Hershie. Hindi ko alam kung paano siya mapagsasalita. Ayaw niya akong kausapin," dagdag niyang saad bago kuhain sa akin ang kutsilyong hawak ko.

Wala akong nagawa kundi hayaan siyang maghiwa. Sinunod ko ang sinabi niya at pumunta ako sa sala. Hinayaan kong silang dalawa ni Richard ang maghanda ng tanghalian namin, samantalang ako, umupo sa tabi ni Hershie sa sofa.

Nakatulala siya sa picture frame nila Richard, kaya saglit din akong napatingin do'n.

"Ako nga pala si Eunice. 'Yung lalaking kasama natin kanina, siya si Charles. 'Yung may ari naman ng bahay na 'to, si doc Richard," panimula ko. Ngumiti rin ako sa kaniya.

Magsasalita sana ulit ako nang makarinig ako ng ingay mula sa labas ng bahay. Nakarinig ako ng ilang putok ng baril at sure akong narinig din 'yon nila Charles at Richard dahil agad silang nagpunta rito sa sala.

Lumapit pa ako ng husto kay Hershie at pinilit kong takpan ang mga tainga niya dahil sa nakakabinging putok ng baril mula sa labas.

"Dito lang kayo, titingnan ko kung anong nangyayari sa labas," ani Richard.

May kinuha siyang mahaba at makapal na patpat na may kung anong nakadikit sa dulo nito. Sa tingin ko, proteksyon niya 'yon at pangdepensa sa sarili.

Nagsimulang sumunod si Charles kay Richard at wala akong nagawa para pigilan siya. Muli nanaman akong kinabahan dahil wala kaming alam sa nangyayari. Napayakap nalang ako kay Hershie dahil sa takot na may mangyaring masama.

Narinig kong bumukas 'yung gate, senyas na lumabas sila Richard at Charles sa loob ng bahay. Ilang beses ko ring narinig na nagsisigawan sila sa labas ng bahay. Nakakarinig din ako ng mga daing kaya mas lalo akong kinabahan.

Baka kung napano na sila!

Saktong pagtayo ko mula sa pagkaka-upo, bigla ko namang narinig ang malakas at dagliang pagsara ng gate. Nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa pumasok na sa sala si Charles at Richard.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon