Chapter 30 : Golden Blood Type

141 15 0
                                    

30 : Golden Blood Type




Nakatingin lang ako maigi kay Mandy.

Hindi ko alam kung anong nasa isip niya ngayon. Kanina habang naglalakad kami papunta rito sa ilog, tulala lang siya sa daan. Pero nang biglang sumulpot 'yung sundalo, bigla siyang nagsalita at kinumbinsi kaming dapat namin itong isama.

Matagal ko ng kaibigan si Mandy, pero ngayon ko lang hindi mabasa ang iniisip niya.

Napabaling naman ang tingin ko sa bago naming kasama. Wala akong tiwala sa sundalong 'yon dahil siya naman talaga ang dahilan kung bakit kami bumalik sa orihinal naming plano. Pero kung iisipin, may mapapala kami sa kaniya.

"Kumapit kayong maigi," sabi ni Aries bago niya tanggalin ang tali ng bangka sa daungan. Pagkatapos no'n, tinulak niya ng kaunti ang bangka papunta sa ilog, bago siya sumakay. Siya at si Charles ngayon ang may hawak ng sagwan, sa magkabilang parte ng bangka.

Sa lalim at lawak ng ilog, hindi nakakapagtakang lumulutang ng walang problema ang bangkang sinasakyan namin.

Nanatili kaming tahimik. Umaga pa lang kaya malamig ang simoy ng hangin.

Naglabas ako ng tinapay. Gano'n din ang ginawa ng iba dahil wala ni isa sa amin ang nag-almusal nang magising kami. Dumiretso na agad kami papunta rito sa ilog dahil delikado kung aabutin kami ng gabi sa daan.

Hindi rin namin alam kung anong lugar ang pupuntahan namin, kung ligtas ba talaga do'n o mas delikado, kaya maigi nang handa kami sa pinakamalalang p'wedeng mangyari sa amin.

Napatingin ako sa sundalo. Nanginginig siya habang ilang beses na nginangatngat ang kuko niya.

"Sundalo ka ba talaga?" tanong ko sa kaniya. Pagkatapos ay inabot ko sa kaniya ang tinapay na galing sa bag ko.

Naiilang nitong tinanggap ang tinapay. "Ba-bakit?" tanong niya bago kumagat nang malaki.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng mga patay? Parang mas takot ka pa sa'ming mga ordinaryong tao lang sa lugar na 'to," saad ko. Kumagat ako sa tinapay na hawak ko bago ko muling pinagmasdan ang labi ng sundalo.

May bakas pa rin ng dugo ro'n.

At tingin ko, kami pa lang ni Mandy ang nakakahalata. Kapag nakita 'to ni Richard, paniguradong hindi niya palalagpasin 'to.

"A-ah..." tanging sagot lamang ni Ron.

"Kamusta ang buhay sa labas ng probinsya?" biglang tanong ni Mandy. Muli akong napasulyap sa kaniya, pero hindi siya tumingin pabalik sa akin.

Nginuya muna ng sundalo ang kinakain niya bago siya sumagot. "Mas magulo kaysa sa lugar na 'to," aniya kaya nagkatinginan kaming lahat. "Wala ng tao sa kahit saan. Kung humihinga ka pa ngayon, parang hihilingin mo na lang na mamatay kinabukasan dahil sa nangyayari sa labas ng arko."

Pagkatapos niya magpaliwanag, napatingin siya sa baba. Mukhang hindi lang kami ang napapagod sa sitwasyon ngayon.

Sino bang hindi.

Kahit siguro ikaw na ang pinakamayamang tao sa mundo na 'to, hindi ka mapoprotektahan ng pera mo ngayon.

"Kaya ba pinatay niyo lahat ng survivor sa probinsya na 'to? Gusto niyo bang tapusin na ang kalbaryo nila?" tanong ni Mandy.

Agad na inangat ng sundalo ang ulo niya. "Hindi." Umiling-iling siya.

"Anong dahilan ninyo?" tanong ko. "Imposible na gusto niyo lang kaming patayin at ubusin. Bakit gusto niyong patayin lahat ng taong nakaligtas sa mga infected?"

Huminga nang malalim ang sundalo.

"Hindi lang ordinaryong sakit ang kumakalat ngayon," aniya kaya nakuha nito ang atensyon ni Richard, na kanina lang ay nakatingin sa dinadaanan namin.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon