Chapter 31 : Unsafe Safe Area

151 13 0
                                    

31 : Unsafe Safe Area





"Hindi ako sigurado kung tama ang narinig ko, pero hindi imposible," sabi ni Richard bago maningkit ang mga mata niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Huminga ng malalim si Richard bago siya nagsalita. "Ang golden blood type o kilala rin bilang rh-null, ay isang uri ng dugo— pinaka-rare na uri ng dugo. Wala pa sa isang daan ang mayroon nitong dugo na 'to sa buong mundo," pagpapaliwanag niya.

Nanatili kaming tahimik bago siya muling magsalita. "Kung may kinalaman man ang golden blood type sa sinasabi niyang mutation na naganap sa mga na-iinfect ng sakit, sa tingin ko, maaaring malapit na tayong makahanap ng gamot sa sakit na 'to, o baka mas lalo lang tayong matagalan sa paghahanap ng bakuna para rito," ani Richard.

Sabay-sabay kaming napahinga ng malalim. Nanatili kaming tahimik na lahat.

Napansin kong dumudugo ang kamao ni Mandy, siguro dahil sa ginawa niyang pagsuntok sa sundalo kanina.

Naglabas ako ng bulak at bandage mula sa bag ko. Marahan kong kinuha ang kamay ni Mandy kaya saglit siyang nagulat bago niya titigan ang ginawa kong pagtatanggal ng dugo sa kamay niya.

"Paano mo nalaman na infected 'yung sundalo?" bulong na tanong ko sa kaniya. Hindi kami p'wedeng marinig ng iba naming kasamahan dahil magkakaro'n ng gulo— alam na naming infected ang sundalo pero pinasakay pa rin namin sa bangka.

"Dugo," sabi ni Mandy. "In-assume ko lang na infected na siya dahil sa dugo sa labi niya. Inisip ko no'ng nahawa si Claude, kung paano siya nasalinan ng sakit. At naisip ko 'yung araw na tinulungan niya sila Jiro," pagkuk'wento niya habang binabandage-an ko 'yung kamao niya.

"Niligtas niya sila Jiro? Pa'no?" tanong ko. Tumingin agad ako sa kaniya nang matapos ko ang ginagawa ko sa kamay niya.

"Paalis na kami no'n sa bahay ni Charles. Pero narinig ni Claude na may mga humihingi ng tulong. Hininto niya 'yung sasakyan tapos pagbalik niya sa kotse puno na ng dugo 'yung mukha niya. Kasama na niya sila Jiro, Alex at Randy pagbalik," monotonous na saad ni Mandy pero ilang luha ang pumatak sa mga mata niya habang nagkuk'wento.

Hinagod ko lang ng ilang beses ang likod niya hanggang sa tumahan siya sa pag-iyak. Naisip ko na naman tuloy si Claude. Kung nakita lang niya kung anong ginawa ni Mandy sa sundalo kanina, for sure tatawanan no'n si Mandy at sasabihan ng "amazona" for the nth time.

Tahimik naming tinahak ang ilog. Mabuti talaga at hindi gaanong malakas ang agos ng tubig. Sapat lang para hindi mahirapan sa pagsagwan sila Aries at Charles.

"Malapit na tayo," saad ni Aries.

Napatingin na lang ako sa dinadaanan namin. Matataas pa rin ang mga puno sa magkabilang gilid ng ilog. Hindi na namin tanaw ang kalsada sa parehong side dahil sa layo at taas ng mga katawan ng mga puno. Basta ang alam ko lang, nakalayo na kami sa arko ng lalawigan.

Napasulyap ako kay Jiro. Hinihimas-himas niya ang tiyan ng asawa niya, kaya napangiti ako saglit. Kapag nakikita ko 'yung tiyan ni Alex, napapa-isip ako na may pag-asa pa kaming makaligtas. Ewan ko. Basta naiisip ko lang na hindi kami dapat mapagod para sa mga batang kasama namin.

Kay Hershie. Kay Maldi. At para sa paparating na baby nila Alex.

Kaso hindi ko rin maiwasang maisip na delikado na ang lugar kung saan kami nabubuhay ngayon, at kailangan namin lalong mag-ingat. Palagi kong naiisip kung may puwang pa ba na maging masaya, lalo na ang mga bata, sa panahon ngayon.

Biglang napakunot ang noo ko nang may makita akong puti sa dadaanan namin.

"Hamog?" tanong ko kaya napatingin silang lahat sa akin, pagkatapos ay sa harapan na dadaanan ng bangka namin.

SuicidiumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon