LawfuL#15

6.1K 140 1
                                    

"Ay, Clyde. Nandito ka na pala" nakangiting bati nya kay Clyde. Muli nyang binalingan ng tingin ang natutulog pa rin na attorney bago muling ituon ang tingin kay Clyde.

  "Ito na yung toga mo" inabot nito sa kanya ang nakabalot na toga.

  "Salamat" nakangiting aniya at aayain na sana itong pumasok para makapagmeryenda nang magsalita ito.

  "Crischelle, may sasabihin ako" kumunot ang noo nya't napaisip sa sinabi nito. Ano namang gusto nitong sabihin?.

  "Malapit na ang graduation natin, pwede na bang— ano" nabitin sya sa bigla nalang nitong pagputol. Namumula ito at napapakamot sa tenga kaya lalo syang naku-curious.

  "Pwedeng alin?" Tanong nya.

   "Pwede ano— ano kase—" sinamaan nya ito nang tingin kaya napatikhim ito. Pumikit ito at huminga ng malalim bago magsalita.

   "I waited for almost 3 years Crischelle, pwede ba akong manligaw?" Tanong nitong ikinanganga nya. Ang tanga talaga nya, bakit ba hindi nya naisip na yun ang itatanong nito?.

   "Ah ano—" sya naman ang hindi malaman ang sasabihin.

  "Ano?" Tanong nitong naghihintay. Paano ba sabihing hindi? Kaibigan lang kasi ang tingin nya rito eh. Wahhh nakakabaliw naman!.

  "Ano pwede bang manligaw?" Ulit nito dahilan para mapapikit sya. Bahala na sasagot na sya.

  "NO" napamulat sya nang may biglang magsalita. Hindi sya nakagalaw nang hawakan nito ang kamay nya't may lumapit sa kanya.

  "Crischelle..." nagtatanong ang tingin ni Clyde sa kanya. Naguguluhan ito, eh lalo naman sya.

  "We'll getting married soon" duon sya naalarma sa sinabi ng gagong attorney. Kasal? Eh hindi pa nga sya graduate, atsaka bakit kasal? Hindi nga sila eh.

  Binawi nya ang kamay na hawak ng attorney at tumabi kay Clyde.

  "Hindi ako pumayag diba? Kasal mo mukha mo! Tara na Clyde" hinila nya sa braso si Clyde papunta sa bahay nila. Nang mapansing sumusunod ang attorney ay hinarap nya ito.

  "Sige ipapahabol kita sa aso" pagkatapos nyang sabihin iyun ay hindi na ito sumunod pa. Bahala sya, para kasing tanga! Sabi nya sa isip.

  "Bili tayo iluluto, pupunta sila Kayla diba?" Excited na aniya kay Clyde na tumango lang.

  "Cris, boyfriend mo ba yun?" Hinarap nya si Clyde at marahas na umiling.

  "Kung ganun, ba't ka nya inaayang magpakasal?" Tanong nitong pati sya ay napabuntongbhininga.

  "Ewan ko dun, di ko rin alam" sagot nya nalang.

  "Tsk, baliw pala sya eh. Wag ka nang lalapit sa lalaking yun Cris, wag na wag" nakapikit pa sya habang paulit-ulit na tumatango.

  "Yan talaga ginagawa ko!" Taas noo nyang sagot. Pero kanina tinitigan mo, hinawakan mo pa nga lips eh, muntik mo pang halikan. Nasamid sya sa sariling laway nang marinig ang bulong ng dimunyu nyang utak.

  "Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Clyde na tinanguan Nya kahit  na inuubo pa.

  "A-ayos lang. Tara bili tayo." Nauna nanaman syang lumabas at gaya ng dati ay may unggoy nanamang nakasunod sa kanya.

  "Who's that guy huh?" Tanong nitong paulit-ulit na nitong tinanong.

  "Nakalimutan mo na bang may kailangan kang ibalik sakin?" Tanong nitong nakakarindi na.

  "Clyde, may naririnig ka? May bubuyog ata" pag-mamaang-maangan nyang tinawanan lang ni Clyde.

  "Oh ganda, anong bibilhin mo?" Tanong ni kuya Efren.

Billionaire Series#03: Lawful Billionaire Where stories live. Discover now