LawfuL#02

10.8K 219 8
                                    

" Attorney, can you win this case?" Tanong nitong dahilan para iangat nya ang tingin rito.

" Of course, kaya lang ayaw ko ng masyadong magulo. Dapat ay mapaalis mo sila ng kusa, pay them if you want para sa ganun mas madali lang lahat. Ang problema lang kasi ay marami na ang nakatira sa lupang yun na pwedeng pagmulan ng gulo" paliwanag nyang ikinabagsak ng balikat nito.

" I'll help para mapaalis sila ng kusa" aniyang ikinaangat nito ng tingin sa kanya. Hindi sya mabait, gusto lang talaga nyang makaiwas sa ama nyang gusto na syang patayin. At isa pa, bakit sya magiging mabait sa taong walang ibang iniisip kundi ang angkinin ang bagay na una palang ay hindi naman sa kanya and that person is in fornt of him. Gusto nitong makuha ang lupang ibinigay ng ama nito sa isang taong katiwala nito at yun ang kasong ipapanalo nya sa korte. Luckily, walang hawak na titulo ang taong pinagbigyan ng lupa ng ama ng kliyente nya, tatanga-tanga kasi ang taong yun, ibinigay pa naman yung original copy sa kung kanino lang.

" Kailan tayo pupuntang probinsya?" Tanong ng kliyente nyang ikinalawak ng ngiti nya.

" Now" sagot nya't nauna nang naglakad palabas sa kliyente nya. Konti na lang goodbye city na, goodbye Papà. Napasuntok pa sya sa hangin sa tuwa.
.
.
.
" Nandito na tayo attorney " imporma sa kanya ng kliyente ngang tinatamad nyang tinanguan. Bumuga sya nang hangin nang makita ang may karamihan na ring bahay, ito ang problema marami nang nakatira. Napailing sya't napakamot sa tungki ng ilong. " ipakita mo sakin ang lawak ng lupa" utos nya sa kliyente nyang mabilis na tumango.

Dahil sa paniniwalang pag-aari nito ang lupa ay wala silang pasabi na nagtungo kahit pa sa loob na ng bakuran ng iba para sukatin ang boundary ng lupang pag-aari nito. Habang tumatagal nang pagpapakita sa kanya nito ng lawak ng lupain ay napatango sya, kaya pala gustomg - gusto nitong makuha ang lupain dahil malawak nga talaga iyun.

" Malawak pa ang lupa dun attorney, wala pang masyadong bahay. Ang nakatira dun ay ang pamilya na binigyan ng Dad ko ng lupa" binasa nya ang nanunuyong labi saka kumain ng chocolate bar na hawak nya.

" Malawak pala talaga" ngumunguyang aniya saka binalingan ng tingin ang may katandaan nang kliyente. "Let me see it" sabi nya't nauna nang naglakad papunta sa itinuro nito. Namulsa pa sya nang makita ang magandang bakuran ng nakatira ruon dahil sa mga tanim nitong mga halaman.

Naririnig rin nya ang mga bulungan ng mga residente na hindi nya pinapansin, pare-pareho ang mga itong nag-aalala tungkol sa lupa. Mukhang inimporma na ito ng kliyente nya tungkol sa pagbawi ng lupa, well its not that bad, makakatulong pa yun actually. Dahil sa takot at pag-aalala ng mga ito ay mas madaling manipulahin ang mga ito. Yun rin ang hindi maganda para sa mga average person, mahina ang mga ito pagdating sa mga kaalaman lalo na sa batas, hindi sa minaliit nya ang mga ito but the people looking at him right now are ignorant people. Mahihina ang mga utak ng mga ito at madaling maloko.

Malapad syang napangiti nang pati ang mga nakatira sa bakuran na pinapasok na nila ay naglabasan na rin. Hindi nya pinansin ang mga ito not until a tall man stand in front of him. Kumagat pa sya ng chocolate bar bago salubungin ang lalaking mataas lang sya ng kaunti. Kumpara sa taas ng purong Pilipino ay mataas na ito.

" What? You need something?" Unbothered na aniya sa lalaking matalim ang tingin sa kanya.

" Wag mo akong ma-inglish inglish, dayuhan ka lang rito!" Madiing sabi nito na mahina nyang tinawanan.

"Oh, I'm sorry but I'm here to work and you're not part of my business here, so can you make a way for me now?" Mapang-asar na tonong aniya na lalong ikinainis ng lalaki.

" Aba't-"

"Thad!" Saway ng babaeng sumunod sa lalaking nakaharang sa kanya.

" Eirha, pumasok ka sa loob" utos nito sa babae na hindi pinansin ng tinawag nitong Eirha.

Billionaire Series#03: Lawful Billionaire Where stories live. Discover now