LawfuL#17

5.8K 127 0
                                    

Mabigat man ang talukap ng mata ay pinilit ni Crishelle na magmulat. Nabalot sya ng takot nang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa kanya. May ng kidnap sa kanya. Dahil ba sa perang mamanahin nya?.

  Mariin syang napapikit at napayakap sa sarili nang maalala ang nangyari bago sya mapunta sa kwartong kinaroroonan nya. Nagkukwentuhan pa sila ng nga kaklase nya bago isa-isang magpaalam ang mga ito hanggang sa sya lang ang natira. Hinihintay nya ang pagdating ng kuya nya dahil sabi nito ay susunduin sya nito.

  Marami namang tao sa paligid kaya kumportable sya hanggang sa may kung sino ang nagtakip ng panyo sa ilong at bibig nya. May kung anong pinaamoy sa kanya na nagpawala sa lakas nya't nagpatulog sa kanya.

  "I'm sorry Crischelle" mas lalo syang natakot nang maalala ang binulong nito sa kanya bago sya mawalan ng malay. Kilala sya nito?

  Natigil sya sa pag-iisip nang marinig ang mga yabag papalapit sa kwarto nya. Mabilis syang tumayo at pumwesto sa gilid ng pinto. Hinintay nyang bumukas ang pinto pagkatapos ay buong lakas nyang sinuntok sa sikmura ang lalaking pumasok ruon

  "Ugh, Fuck!" Mura ng lalaking napaluhod sa ginawa nya. Susuntok pa sana sya kaya lang ay napatalon sya sa sakit ng namumula nyang kamao, napakatigas naman kase ng katawan nito, para syang sumuntok ng makapal na kahoy.

  "Manyakis ka! Kidnaper ka! Ba't mo ko dinala rito?" Tanong nya sa lalaking namimilipit pa rin sa sakit. "Hindi ka sasagot!?"

  "Aaargh! God damn it!" Mura nito nang hilahin nya ito sa buhok and when she finally saw the man's face, her jaw dropped. It was him, Attorney.

  "Attorney!?" Gulat at hindi makapaniwalang tanong nya rito. Nakapikit ito sa sakit ng paghila nya sa buhok nito at hindi makatingin ng diretso sa kanya.

  "Yeah, It's me, fuck it! Let go of my hair, woman!" Napapangiwing sigaw nito kaya mabilis nyang nabitawan ang buhok nito.

  Nang tumayo ito ay hindi nito nagawang tumuwid ng tayo. Mabagal ang hakbang nitong naglakad papunta sa kama at naupo ito ruon. Ang makita ang kalagayan nito ay bigla syang nakonsensya, masyadong malakas pagsuntok nya, sigurado yun.

Kinagat-kagat nya ang kuku sa hinliliit at nag-aalalang tumingin sa binata. Hinihimas nito ang tyan na sinuntok nya, ugh! Kasi naman ih!.

  "S-sorry" paghingi nya ng despensa dahilan para tumingin ito sa kanya. "Ikaw naman kasi! Ba't mo ko kinidnap tapos dinala mo ko rito! Akala ko papatayin na ako ng dumukot sakin eh, kasalanan mo kaya ganyan nangyari sayo!" Dipensa nyang ikinakunot ng noo nito.

  "A-ano? Bakit ganyan ka tumingin?" Utal nyang tanong rito. Huminga ito nang malalim at isinandal ang dalawang palad sa kama habang nakatingin sa kanya.

"Aren't you mad at me? I kidnapped you" tanong nitong napanguso sya. Oo nga, ba't sya nagsosorry? Eh sya pala yung kinidnap.

  Dumilim ang mukha nya't tinignan ito ng masama na tumawa lang sa ginawa nya. Naiinis sya kaya nilapitan nya ito at pinaghahampas ito sa balikat.

"Bakit mo ako dinala rito!?" Nanggigigil sa inis na tanong nya ritong tinawanan nito. Napalunok sya't bahagyang natigilan nang kumiliti sa pandinig nya ang napaka sexy nitong pagtawa.

"Stop hitting me" saway nito sa kanyang ikinataas ng kilay nya.

"Ah ganun?" Mataray na aniya at mas lumakas ang paghampas rito. "Iuwi mo na ako! Bilisan mo!" Mas lumakas ang paghampas nya rito kaya itinaas na ng binata ang dalawa nitong kamay para haranging ang paghampas nya.

"Baby, Stop it" saway nito sa kanyang ikangiwi nya. Did this attorney just called her baby?. "Argh! Bwisit!" Nanggigigil na mas nilakasan nya ang paghampas dito.

Billionaire Series#03: Lawful Billionaire Where stories live. Discover now