LawfuL#31

6.5K 119 16
                                    

"Fuck Muller! Bakit ako?" Bulalas ni Revance nang matapos nitong sabihin ang pakay.

"Bakit ayaw mo? Baka nakakalimutan mong napakarami mong utang sakin" sabi nitong wala syang choice na kinuha ang papel na inabot nito.

Authorization

I Yexel Andrew Muller, the CEO of Yexel corporation giving an authority to Attorney Fritz Revance Wagner to manage the Xeltech Corporation while I am in process of my operation.

Muling nailapag ni Revance ang papel na binasa. Sa dami ng negosyong inaasikaso nya ay sasabay pa itong kumpanya ni Arew na sobrang daming dapat gawin.

"Anak ng Gago naman 'tong negosyo mo oh! Ba't kasi expand ka ng expand!? Balak mo ba akong patayin ng maaga ha?" Hindi na sya nakatiis at nagtaas na ng boses rito pero tumawa lang ito.

"You know that I know how your genius mind works Revance. I know what you can and what you can't, so take care of my company. Sayo ko na ipapasa ang korona ng kamahalan ni Hailey. Alagaan mo lang ang tenga mo ah, baka kase masira agad" tatawa-tawa pa nitong sabi bago ito umalis.

"Argh! Pucha naman oh!" Parang bata syang nagpapadyak pero wala naman syang magagawa.
.
.
.
"Fuck! Don't focus on their fucking grades. Choose them according to their ability understood!?. I know, Ruler's Law Spain is on top but choose a fucking worthy attorneys!" Pagkatapos sabihin yun sa director ng Law firm nila sa Spain ay agad nyang pinutol ang tawag.

Bakit ba kasi ang hihina ng mga attorney na hinahire ng mga iyun?. Kaya nasisira ang pangalan ng law firm nila eh.

Pagkatapos nyang lumaya mula sa dalawang buwang pagkakakulong ay sa kanya rin ulit ibinigay ng ama nya ang lahat ng kayaman at sya na rin humawak ng law firm. About Crischelle, tinupad nya ang pangako nya, hindi na nya ito ginulo at ni hindi na nya ito pinasubaybayan sa mag imbestigador. Gusto lang nyang tuparin ang pinangako ritong tuluyan nya itong palalayain kaya kahit mahirap ay pinilit nya kayaning gawin.

Huminga sya ng malalim nang makita ang date na nakasulat sa report na binabasa nya. Anim na taon na pala ang lumipas simula nung huli nyang nakita si Crischelle, ano na kayang ginagawa nito? Sana ay ayos lang ito at masaya na itong wala sya.

Tambak ang gawain sa table ni Revance dahil sa magkasabay na trabaho sa Law firm at sa Xeltech corporation nang makatanggap sya ng tawag na nagising na si Arew pagkatapos ng operation nito. Napakatindi rin talaga ni Arew dahil sa kwento ni Kaiser sa kanya na halos 15 minutes nang hindi tumitibok ang puso nito pero nagawa pa nitong mabuhay at ngayon ay nagising ito sa huling araw na dapat itong magising.

Napangisi nalang sya, dapat ay bilisan nitong gumaling para makapagpahinga naman sya. Napakarami kasing trabaho ang XelTech Corporation at mababaliw na sya dahil ni hindi na nya nakakain ang favorite food nya. Pwede na sigurong masapak yung Arew na yun kapag gumaling na ito.

Nagsicelibrate palang si Revance dahil sa wakas ay bumalik na sa kumpanya si Arew pero bumagsak ulit ang balikat nya nang makatanggap ng invitation para sa kasal nito. Talagang gumaganti ito sa kanya dahil paniguradong sakanya nanaman nito iiwan ang negosyo nito.

"Ba't kasi ikakasal pa!?" Malakas na sigaw nya dahilan para mapatingin sa kanya ang lahat.

"Tsk, palibhasa walang gusto magpakasal sayo" sumama ang timpla ng mukha nya nang magsalita ang kaaway nyang si Thaddeus. Pareho silang inis na inis sa isa't - isa pero ang nakakapagtaka ay pareho silang kaibigam ni Arew, pati nga si Kaiser ay Kaibigan nito.

"Kausap ba kitang rapist ka?" Ito naman ang dumilim ang mukha.

"I'm not a rapist, tinaniman mo lang ako ng ibidensya kaya mo ako napakulong!" Dipensa nito. Malakas syang tumawa saka nang-aasar itong tinignan.

Billionaire Series#03: Lawful Billionaire Where stories live. Discover now