LawfuL#18

5.6K 131 4
                                    

  "Antagal nya naman" nakangusong ani Crischelle habang nakatingin sa pinto ng kwartong kinaroroonan ni Revance. Akala nya ba babae lang matagal kumilos? Hindi naman.

Huminga sya ng malalim at sa kisame nalang itinuon ang tingin. Dapat ay natatakot sya dahil nakidnap sya at kasama nya pa ang kidnapper nya pero hindi yun nangyayari sa totoo lang ay nalulungkot pa sya at nag-aalala sa maaaring nararamdaman ni Revance ng mga sandaling iyun. Nakita nya kung gaano ito kalungkot bago sya nito talikuran nung nasa mesa sya. Bakit kasi ang insensitive nya?.

Hindi na bilang ni Crischelle kung ilang oras na ba ang lumipas. Namalayan nalang nya ang sariling nakahiga sa kama at humihikab. Napatayo sya nang makitang nasa kwarto na sya, hindi naman siguro sya naglakad habang tulog hindi ba?. Ang alam nya ay nasa sala sya, nakahiga sa sofa tapos paanong nandito na sya?. Habang nag-iisip ay iisa lang ang pumasok sa isip nya, si Revance.

Paglabas sa kwarto ay tumingin muna sya sa glass window na ikinangiwi nya dahil nasilaw sya sa liwanag. Masyadong maliwanag ang sikat ng araw at nakakasilaw. Umiling nalang sya't nagmadaling bumaba ng hagdan. Base sa tantya nya ay mga nasa ala-una ng hapon na, paano nya ba kasi nagawang matulog ng umaga?.

  "Hey" pang-aagaw nya sa atensyon ng lalaking naabutan nyang naghihiwa ng pakwan. Napakasarap tingnan ng kulay pulang laman ng pakwan, parang ang tamis.

"Gising ka na pala, kumain ka na ng tanghalian" sabi nito. Tumango sya't naupo sa silyang nakalaan para sa kanya. Kakain na sana sya nang may marealize.

"Hoy ikaw!" Dinuro nya pa ang binatang bahagyang nagulat  sa bigla nalang pagtaas ng boses nya.

  "Bakit?" Clueless na tanong nito.

  "Dinala mo ba ako rito para lang pakainin? Kumakain naman ako sa bahay kaya bakit mo pa ako kinidnap? Mukha  ba akong walang makain kaya dinukot mo pa ako para lang pakainin?" Mapang-akusang mahabang sabi nya.

  Tumaas ang kilay nya nang mapailing ito at nilagay sa plato ang nahiwa na nitong pakwan.

  "Kumain ka na dyan, fruits are good dessert so after  eating your lunch, eat this" pagkatapos nitong sabihin iyun ay tumalikod na ito.

  "Tsk, ang sama talaga ng ugali!" Pagpaparinig nyang dahilan para mahinto ito sa paghakbang paalis at pumihit paharap sa kanya.

"What?" Tanong nito. Peke syang ngumiti saka umirap.

  "Sabi ko ang sama ng ugali mo!" Ulit nya. Bago pa ito makapagsalita ay inunahan na nya ito. "Kakain ako rito tapos basta-basta mo nalang akong iiwan rito!?  Ikaw kumain ka na ba? Pinagmumukha mo naman akong matakaw at masama sa kilos mo." pangangatwiran nya.

Binuka nito ang bibig pero walang salitang lumabas duon.

"Halika rito at sabay tayo kumain. Kinidnap-kidnap ako tapos susungitan lang ako!" Pagpaparinig nya pa.

"Ano na!?" Paninigaw nya ritong dahilan para mabilis itong kumilos paupo sa harap nya. Lihim syang napangiti nang makitang hindi nito malaman ang gagawin.

  "Kumain ka" utos nya ritong mataray ang tono. Lumunok ito pagkatapos ay kumuha ng pagkain para sundin ang utos nya. Ang Cute naman ng kidnapper na ito.

"Masarap ba?" Tanong nya ritong naiilang nitong tinanguan. "Ako nagluto eh" dagdag nitong mahina nyang tinawanan. Hangin talaga nito.

"So kelan mo nga ako ibabalik sa bahay?" Bigla nalang nyang tanong sa kalagitnaan ng pagkain.

  "Depends" nagpantay ang kilay nya sa sagot nito.

  "Depends? On what?. Alam mo naman sigurong hindi tayo close at naiinis akong kasama ka kaya maawa ka naman sana sakin at ibalik mo na ako" may pagtataray na sabi nya. Bumuntong hininga ang binata pagkatapos ay binitawan nito ang hawak na kutsara at tinidor.

Billionaire Series#03: Lawful Billionaire Where stories live. Discover now