LawfuL#28

5.8K 120 0
                                    

"Revance naman, kayang-kaya mo 'tong lusutan kaya bakit ka sumuko nalang?" Kinamot ni Revance ang tenga sa paulit-ulit na tanong ni Kaiser.

"Kai, ayos lang ako. Masgusto ko ito, kung ito ang gusto ni Cris masaya akong gawin ito" sagot nyang pilit na ngumiti.

"Nakakatanga ba talaga ang pag-ibig? Ayaw ko na pala magmahal" bigla nalang sabi ni Clifford na prente pang nakaupo sa visitors chair ng kulungan.

"Revance... mag-isip ka naman. Hindi mo kasalanan yung nangyari sa ama ni Crischelle. Ako ang boss ng papa nya, kung may dapat sisihin ako yun atsaka alalahanin mong hindi natin pinilit ang papa nya!" Nanunubig ang mga mata ni Levitór, halatang guilty ito at sinisisi rin nito ang sarili.

"Ayos lang talaga ako atsaka pwede bang hindi ito malaman ni Arew, alam nyo naman mahina ang puso nya't abala sya sa pagganti sa Dad nya" ngumiti ulit sya't tinitigan ang posas sa kamay nya.

"Isipin mo sarili mo, makasarili ka di ba? Nasaan na yung Revance na kilala namin? Nasaan na yung Revance na ginagawa yung paraang mas madali?" Frustrated na tanong ni Kaiser.

"Wala na sya" sagot nya.

"Ano?" Sabay-sabay na tanong ng tatlo na mapait nyang tinawanan.

"Kung ako ang nasa kalagayan ni Crischelle, hindi ko rin mapapatawad ang abogadong nagpakulong sa papa ko, kung ako si Crischelle, magagalit ako sa taong kumidnap sakin. Gagawin ko ang ginawa nya at paniguradong magagalit ako ng husto. I understand her and I want to lessen her pain." Paliwanag nya kasabay nang pagkawala ng luha sa kanyang mga mata.

"Arew was right, I must understand myself then I will understand others. I understand now... in order for me to be happy I must think about her first because she's my life now. She's my priority " muli syang ngumiti at tinuyo ang luhang dumadaloy sa magkabila nyang pisngi.

"Argh! Nakakabaliw na" sambit ni Clifford na napahilamos ng palad.

"Kasalanan ko ito eh!" Sabi naman ni Levitór.

"I'm sorry but I understand you Revance pero please lang, hindi pa huli ang lahat pwede ka pang makalaya rito kung gugustuhin mo" umangat ang tingin nya kay Kaiser nang magsalita ito.

"Thanks, Kai" pasasalamat nyang tinanguan nito. "Ayos lang ako rito wag kayong mag-alala. Sige na, may gagawin pa ako sa loob ng kulungan kaya una na ako" hindi na nya hinintay ang sagot ng mga ito. Tuluyan nyang tinalikuran ang mga kaibigan at pumasok sa loob ng selda.

Pagkatapos ng halos isang linggo ay totoo ngang kinasuhan sya ni Crischelle, hindi nya ito masisisi at dahil yun ang gusto ng dalaga ay sumuko sya. Kahit manlang sa ganoong pagkakataon ay mabawasan nya ang sakit na nararamdaman nito.

He misses her already, gusto na nya itong makita pero wala syang magawa. Pati ang ama nya ay kinakausap sya at sinasabing lumaban sya sa kaso pero wala nang mababago sa desisyon nya maliban nalang siguro kung si Crischelle mismo ang magsasabing lumaban sya paniguradong gagawin nya yun ng mabilis.

  "Ijah, I'm sorry sa ginawa ng anak ko." Pagod na tumuwid ng upo si Crischelle. Pinuntahan nanaman sya ng ama ni Revance para humingi ng tawad na lalong dumadagdag sa bigat ng loob nya.

"Ayos lang ho Mr. Wagner. Wala naman ho kayong kasalanan atsaka nakakulong na si Revance, pinagbabayaran na nya ang kasalanan nya." kung dati ay parang binibiyak ang puso nya sa tuwing naiisip na nakakulong si Revance at hindi manlang nito ipinagtanggol ang sarili nito ngayon ay parang wala syang nararamdaman kundi ang pagod sa kung saan.

"Wag na ho kayong pumunta rito at pakiusap ho, wag nyo nang ibibigay sakin ang mga balak nyong ipamana sakin" napanganga ang matanda sa sinabi nya pati ang ate at kuya nyang nakikinig lang.

Billionaire Series#03: Lawful Billionaire Where stories live. Discover now