Chapter 49

790 14 1
                                    

Patricia pov.

Isang linggo narin matapos ang kaarawan ni drake at sa isang linggo normal lang ang lahat ng nangyayari walang away o ano pa ang naganap puro saya at bonding lang sa pamilya at about nga pala dun sa pag thank you ko sana kay nicole ay hindi nangyari dahil paglabas namin ni drake non sa kwarto kung nasan kami ay wala na silang tatlo ng kaibigan nya nung nag tanong ako sa kambal ang sabi nila nag paalam na daw sa kanila at umalis na agad kaya di ako nakapag pasalamat.

Ngayun naman ay nandito lang ko sa bahay namin at nanonood at ang kambal naman ay lumabas pumunta sa pinsan nila at nakipag laro si drake naman balik trabaho na sya dahil umibang bansa nanaman sila mommy kaya eto tamang nood na muna ako dahil wala akong trabaho ngayon sa restaurant.

Mga ilang oras din na panood ay nabagot na ko kaya pinatay ko na ito at inayos ang buhok ko na magulo onti at lalabas na para puntahan ang kambal.

Isasara kona sana ang pinto ng maramdaman ko ang cellphone ko na nasa bulsa kaya tinignan ko to kung sino ang nag message.

=YAM=
Yam uuwi ako mamaya diyan <3

Sabi nya sa text kaya napa ngiti naman ako ng nakita ang pa heart sa dulo.

=me=
Amnn..aalis sana kami.

Message ko sa kanya..
Aalis naman sana kami talaga haha..yayayain ko yung kambal na pumunta sa company nila.

Ilang saglit lang ay sinagot nya agad ang message ko.

=YAM=
San kayo pupunta?

Napaisip naman ako..sasabihin ko ba?

=Me=
May classmate kasi ako dati na nag chat sakin nangamusta then nagyaya na lumabas pumayag na ako nakakahiya kasi tumanggi

Yan nalang ang sinabi ko. Diko kasi alam ano sasabihin eh...

=YAM=
Lalaki ?

Message nya agad.
Napakunot nuo naman ako..

=Me=
Oo...

Yan nalang ang sinagot ko at nag hintay ng message nya pero dina nag reply....nyare don?

Nagkibit balikat nalang ako at nag patuloy nalang sa paglalakad.

Agad kong tinawag ang kambal at umuwi na agad kami dahil bibihisan ko pa silang dalawa.

⏩ fast-forward ⏩ 

Napatingin naman ako sa building ng kumpanya nila drake.

"wow mommy nandyan po si daddy sa loob po?"
Tanong ni dramir tumango naman ako sa kanya na nakangiti at niyaya na sila papasok pero ng nasa entrance palang kami ay hinarangan kami ng guard.

"ma'am sorry po pero bawal po bata dito"
Sabi nito ng nahihiya at tumingin sa  kambal na nakangiti.

"pero kuya..."
"sir nandyan po daddy namin sa loob bat po bawal kami?"
Putol sa salita ko ni dramir at sumisilip sa loob.

May mga tumitingin nadin samin dito at napapangiti pa ang ilan na halatang na q-cutetan sa kambal.

"sorry po talaga ma'am ginagawa ko lang po trabaho ko"
Sabi nito ngumiti naman ako at tumango.

"okay lang kuya tatawagan ko nalang po yung asawa ko"
Sabi ko at ngumiti sa kanya..
Asawa? Hahaha..oo asawa...sarap sabihin yun...hahahahah...

Ngumiti sakin ang guard.

"miss Patricia?"
Napatigil ako sa pagkuha ng cellphone ko sa bag ko na dala ng may tumawag sakin kaya napalingon naman ako at kumunot nuo pero ng makita ko ang tumawag sakin ay napangiti ako.

The Billionaire Regret Where stories live. Discover now