Chapter 17

1K 24 0
                                    

Patricia pov.

Nandito ako sa tabing dagat at tinitignan ang malumanay na alon...
Kung nagtatanong kayo kung nasan ang kambal? Nandon sila sa kwarto ni drake at mahimbing ng natutulog 12 am narin kasi,
Lumabas lang ako dahil naiirita parin ako sa pagmumukha ni drake..

"Hey"lumingon naman ako sa tumawag sakin at ng makita ang pagmumukha nya ay tumayo agad ako at naglakad.. Tsskk..

"huwag mo naman akong talikuran"sabi nito at sinusundan ako..

"tsk.. Wag mo nga akong sundan.. " inis kong sabi..

"hyyst..wala paring nagbabago sayo,matigas padin ulo mo.. "sabi nito kaya inis naman akong huminto at hinarap sya..

"tsskk.. Pwede ba..lumayo-layo ka nga sakin ayaw kong makita yang g*g* mong mukha"sabi ko at tinalikuran ko ulit sya at naglakad na ulit,pero sya ayun patuloy paring naglalakad..

"hi beautiful "napahinto naman ako ng biglang may humarang sa dinadaanan ko.. Tsskk.. Inis na nga ako dito sa isang nasa likod ko may dadagdag pa..

Lumakad lang ako at nilagpasan na sya... Kainis..

"hey wait"sabi nito at hinawakan ako sa braso..
Shiiippss.. Ang sakit ng pagkakahawak nya..

"b-bitawan mo nga ko"sabi ko at pilit na tinatanggal ang kamay nya na nakahawak ng madiin sa braso ko..

"hey brad, nagsabi ng bitawan sya diba so BITAWAN MO NA SYA"sabi ni drake namay diin ang pagkakasabi at nakahawak narin sya sa kamay nitong mokong na lalaking nakahawak sa braso ko..

"ano bang pakielam mo?? Lumayo kana lang "sabi nitong lalaki

"Pano pag sinabi kong may pakielam ako? "inis na sabi ni drake

"brad alam mo humanap kana lang ng iba dyan madami pa naman dyan ei"sagot nitong isa

"pano pag ayoko? Kilala moba kung sino binabangga mo? "sabi ni drake..
Shiippss.. Ang sakit na talaga ng braso ko, di parin kasi inaalis nung lalaki yung kamay nya eii.. Mas lalo lang humihigpit..

"tsk.. Dapat ako magsabi nyan, kilala mo ba kung sino ako? Alam mo brad kung ayaw mong mawala sa mundong to umalis kana"sabi nung lalaki at may mapaglarong ngiti sa mukha..

Tinignan naman ako ni drake..

"alam mo ayokong mawala sa mundong to.. pero MAS AYOKONG makita yung babaeng MAHAL ko at INA ng mga ANAK ko ay nasasaktan, kaya ialis mona yang MADUMI mong kamay"may pagtitimping sabi ni drake,
Imbis na bitawan ako ng lalaking kaaway nya ay mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkahawak sa braso ko kaya napadaing naman ako sa sakit..

"ha. ha.. Alam mo brad kung gagawa ka ng kwento ayusin mo yung di ako matatawa at yung kapani-paniwala naman"sabi nitong lokong lalaki hyyst.. Ang sakit na ng braso ko, baka mamaga to shiipps..

"eii.. Di naman ako nagpapatawa nagsasabi lang ako ng totoo tanungin mo pa sya"sabi ni drake at nagkibit balikat lang sya

"is that true? "tanong nitong lalaki..
Shiippss.. Ano bang s-sabihin ko??

"hey"sabi ulit nitong katabi ko..
Sasagot na sana ako ng may umiiyak na bata mula sa malayo , sa boses palang kilala kona..

"b-bitawan moko y-yung anak ko"yun nalang ang nasabi ko at pilit na hinahatak ang kamay ko, pero hinigpitan nya lang lalo

"m-mommy"
Napatingin ako sa pwesto kung asan ang boses at nakita ko sila draven na magkahawak kamay na papunta sa pwesto namin habang umiiyak si dramir...
Shiippss.. Nagising yung mga anak ko..baka naramdaman nila na wala ako..

The Billionaire Regret Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz