Chapter 20

1.1K 24 0
                                    

Patricia pov.

Nakahiga na ako sa kama at ang kambal naman ay mahimbing ng natutulog sa tabi ko, cute nga nilang tignan ehh.. Dahil magkayakap silang dalawa...

Mga 1 or 2 a.m narin siguro ngayon, pero ako eto.. diparin makatulog...
Hyyst.. Naiinis parin kasi ako eii.. Shiippss.. Di kasi ako makatulog pag nakakaramdam ako ng inis sa isang tao, lalo na nandito lang yung kinaiinisan ko at mahimbing ng natutulog tsskk... Sarap sipain eiii..

Pano kasi ,halos ilang beses akong sinubuan na akala mo bata pa ako..hyst.. Dirin naman ako makaangal dahil kada lunok ko ng sinubo nya sakin ay agad din nya akong susubuan..halos mabilaukan na nga ako kanina...tsk.kainis...

Hyssstttttt..... Lalabas na nga muna ako...

Tumayo na ako at hinakbangan si drake na natutulog sa sahig.. Tsk.. Bala sya dyang bangungutin... Diba ganon yon?? Pag hinakbangan ang isang tulog babangungutin?? Tama ba??... Bala na...... Kainis sya....

Nang makalabas ay umupo ako sa may upuan na parang duyan... Dito lang naman banda sa labas di naman kalayuan kaya ok lang.. Dina ako lalayo ng malayo baka mangyari ulit yung nakaraang gabi...
Kamusta na kaya yung siraulong lalaking yon?? Wala na akong balita pagtapos nung gulo eii.. Baka nga nasa hospital parin yun dahil sa mukha nya na halos sira na sa pagsapak ni drake...

"hey.. Bat gising kapa"
Nagulat naman ako sa biglang sulpot ng boses na nasa likod ko..
Tsskk.bat gising pato?? At Bat ba laging sumusunod tong mokong nato??? Kaurat na pagmumukha nya feeling close ehh.. Di naman kami close... Tsk..

Diko sya sinagot at sumandal nalang ako sa kinauupuan ko at pumikit...

"kinakausap kita dimo man lang sagutin"sabi nya
Nang idilat ko ang mata ko ay nakaupo narin sya sa kaparehas ng inuupuan ko.. Apat kasi to na paikot yung porma.. Tas sya naka upu sya banda sa kaharap ko... 

"W A L A KANG P A K E"sabi ko at dinidiinan ang pagkakasalita..

"teka nga.. Pano mo nga pala nalaman na nandito kami?? "tanong ko, yan kasi yung gusto kong malaman.. Nung unang araw namin dito parang nakahanda na eii.. Yung sa babaeng lumapit sakin tas pagdala samin sa kwartong akala ko si zamir may gawa ,tapos ng aalis na kami bigla naman syang sumulpot na akala mo planado nya.. 

Nakita ko naman sya na parang nagdadalawang isip na magsalita..

"ano?? "inis kong sabi tsskk.. Ayaw pa kasing magsalita eii..

Nagbuga naman sya ng malalim na hininga at humarap sakin..
"m-may binayaran akong tao kaya nalaman kona aalis kayo "
Sabi nya..

"so ano to planado? "tanong ko.. Teka ano to?? naki pag sabwatan sila zamir sa mokong nato??

"p-parang ganon nga, pero di din alam ng mga kasama mo, dahil sabi ng tauhan ko may binayaran din daw sya na pwedeng mag suggest sa kaibigan mona dito pumunta at buti nalang pumayag yung kaibigan mo"sabi nya...
Tsskk.. Kaya pala nalaman ni jannah tong resort nato??

"tssk.. Ano namang buti don kung ikaw din naman sisira ng araw ko? "sabi ko...

"sayo sira,pero sa mga bata hinde"pabulong nyang sabi.. pero rinig ko naman kaya mas nainis ako.. Shhiiipppssss....

Pinikit ko nalang ang mata ko at nagtitimpi..tahimik ngayon kaya ayokong masira ang katahimikan,kaya mas ok ng magtimpi na muna ng galit...

"bat b~"bago nya pa matuloy ang sasabihin nya ay tumayo na ako.. Alam kong bastos na talikuran ko sya at di pinapatapos sa salita nya pero.. Grr... Ayokong marinig yung nakakairita nyang boses at tanghali pa kami uuwi kaya matutulog na ako para makapag ayos na bukas.....

The Billionaire Regret Where stories live. Discover now