Chapter 15

1.2K 24 0
                                    

Patricia pov.

Pangalawang araw na namin ngayon.. Kung nagtatanong kayo kung pumunta ba ako sa sinabi ni drake... Ang masasabi ko lang ay malaking HINDE..

Nang maihatid nya kasi kami sa kinaroroonan nila zamir ay saktong gising ng mga bata ,ang kambal nag pakarga agad kay zamir at si aiden din ay nagpabuhat na sa tatay nya,kita ko pa nga non kung pano titigan ni zamir si drake.. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin nya ay naka bulagta na non si drake,dirin nag tagal non si drake at umalis na din sya na walang ni anong salita basta nalang itong tumalikod at naglakad
Alam kong masakit para sa kanya na makita yung mga anak nya na iba ang tinatawag na daddy p-pero kasi a-ayoko pang malaman ng mga bata na sya ang tatay nila, natatakot ako sa magiging reaction nila at b-baka maranasan din nila yung sakit na naramdaman ko... What if may pamilya na pala sya? Ayokong makitang nasasaktan ang mga anak ko...

"mommy swimming po ako"nabalik naman ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ni dramir, diko namalayan na nakatulala pala ako..

"a-ah ok tara.. Tawagin mo na si draven"sabi ko, agad naman syang tumakbo sa pwesto nila zamir nandon kasi si draven na nakakarga kay zamir..

Kumuha na ako ng salbabida na gagamitin nila ,magbabayad na nga sana ako kaso di tinanggap nung nagbabantay kesyo bawal daw nilang kunin ang ibabayad ko.. Eii? Ano bang problema nila?? Yung iba nga pinababayad nila, samantalang sakin ayaw nilang kunin.. Di sa chusi ako huhh.. Ano kasi eii.. Parang nakakailang lang lam nyo yon?? Hyyst.. Basta...

Nang makalapit na sakin ang kambal ay nilagay kona sila sa salbabida..

"mommy diko na po kailangan nyan, kaya ko na po mag swim eii"sabi ni dramir

"dramir wag makulit ok?? Mas maganda ng safe"sabi ko, kaya wala na syang nagawa

Tinitignan ko silang dalawa habang lumalangoy, si dramir ayun pasaway talaga at inalis yung salbabida tssk..
Hinayaan ko nalang tutal mababaw lang naman eii..
Nakatutok ako kay dramir dahil wala syang salbabida, si draven naman ay nasa ibabaw ng salbabida na nakahiga at nilalaro ang tubig sa kamay nya..

"mommy swimming kana rin po"sabi ni dramir

"mamaya na baby "sagot ko kaya nakita ko syang napa busangot.. Hyyst..

Lumusong na ako sa dagat at nilalaro si dramir ng may marinig akong tumatawag sakin

"m-mommy h-help"
Napatingin naman ako kay draven sa pwesto nya kanina pero wala na sya kaya naglinga-linga ako at hinanap ang boses madami din kasing naliligo ngayon eii

"m-mommy "
Nang makita ko sya ay laking gulat ko na nasa bandang malalim na sya.. Ohh shhiiippss.. Bat naka abot sya don...

"dramir.. Puntahan mo si daddy dali.. "sabi ko at tumakbo rin naman sya kaya ako naman ay pinuntahan na ang anak ko na nasa malalim na..

Lumangoy ako papunta sa kinaroroonan nya at ta* pati ako diko narin abot yung sa baba..

"m-mommy"takot na sabi ni draven..
Marunong naman syang lumangoy pero pag wala na syang natatapakan ay dina nya na kaya..

"baby don't be scared ok? Mommy is here na"pagpapatahan ko ..
Itutulak kona sana ang salbabida ng biglang may alon na sumabay kaya nahirapan ako.. T*kte naka inom pa ako..

Lalangoy na sana ako at handa ng itulak ang salbabida ng maramdaman ko na parang may naipit na ugat sa paa ko.. Shhiiipss.. Nahihirapan akong lumangoy...

"b-baby itutulak ni mommy ang salbabida huhh.. Kaya hawak ka ng mabuti "sabi ko ng malumanay.. Ayokong mag alala baby ko..
Nang saktong may alon na paparating ay tinulak ko ng dahan-dahan ang salbabida pero may halong pwersa para di mataob..

The Billionaire Regret Donde viven las historias. Descúbrelo ahora