Chapter 19

1K 23 0
                                    

Patricia pov.

Shhiiippsss.. Pano koba sasabihin ng maayos sa mga bata na tatay nila si drake??

Nandito ako ngayon sa kwarto at pabalik-balik ng lakad,  yung mga bata naman ayun naglalaro ng laruan nilang sasakyan na binili ni drake sa labas kanina..

Kung tinatanong nyo naman kung asan sya??
Ayun lumabas bibili daw sya ng mga pagkain para ngayong gabi..

"mommy nahihilo po ako sayo po" sabi ni dramir at may pahawak pa sa ulo nya..
Hysstt.. Ngayon kona kaya sabihin hanggat dipa nakakabalik si drake?

Ahh.. Tama-tama...

"a-ahh.. Baby's may sasabihin si mommy ok so dapat makinig kayo"sabi ko ng makaupo na ako sa kama

"ano po yun mommy?? "
Tanong nya ulet..

"a-ahh.. D-diba m-matagal nyo ng hinahanap yung daddy nyo? "
Tanong ko na halata ang kaba..

"opo, bakit po mommy"

"a-ahh.. Pano pag sabihin ko na kasama nyo na si daddy nyo?? Matutuwa ba kayo? "tanong ko ulit

"talaga po mommy ..kasama po namin si daddy??  Asan po.. Asan?? "tanong ni dramir na may pagkagalak
Sasagot na sana ako ng magsalita si draven na ikinagulat ko..

"it's mister Drake po right"
Sabi nya ng may seryosong mukha
Ako naman halos dina makagalaw..
P-pano nya nalaman???

"bro. Pano mo naman nasabi nasi mister superhero?? "takang tanong ni dramir

"halata naman eii..kamukha natin si mister"sabi nito..

"totoo po ba mommy?? "
Tanong ni dramir,  tanging tango lang ang nasagot ko dahil parang wala na akong maisalita kaya tumango nalang ako..

"really?? ^o^ wow "tanging nasabi ni dramir

Napatingin naman sya sa pinto ng bumukas ito..

"hey.. Ito ohh.. Fried chicken nalang ang binili ko ok lang ba?? "bungad na sabi ni drake na kakapasok lang..

"mist~.. I mean daddy.."masayang sabi ni dramir at patakbong pumunta kay drake at yumakap sa binti nito..
Hindi naman alam ni drake kung anong gagawin dahil may hawak syang dalawang plastic, pero halata naman sa mukha nito na nagulat at may halong saya..

"daddy.. Daddy"masayang sabi ni dramir at yumakap pa ng mahigpit kay drake ..

Nakatingin lang ako sa kanila..gusto kong iiwas ang paningin ko kaso diko magawa parang na magnet yung paningin ko sa kanilang dalawa..

Naramdaman kong may tumabi sakin pagtingin ko si draven pala kaya binalik kona ulit ang paningin ko kayla dramir.

"daddy.. Daddy "sabi ulit ni dramir na ngayon ay kapantay na si drake..

"y-yes"sagot nya na kita ang pagkagalak ng tinawag syang daddy ni dramir..

"bro...come here "tawag ni dramir kay draven, pero itong isa ay umiling lang..

Tumingin ako ulit sa kanila at nakita kong nakatingin sakin si drake kaya agad kong iniwas ang paningin ko at tumingin nalang ulit kay draven ..

"daddy..lam mo po, pogi tayo hihihi"sabi ni dramir..
Ginulo naman ni drake ang buhok ni dramir..

"dika ba galit kay daddy? "
Tanong nya..

"bat naman po?? Bad poba kayo? "
Tanong ni dramir at may mapagtanong na mukha..

The Billionaire Regret Where stories live. Discover now