Chapter 12

1.2K 21 0
                                    

Patricia pov.

  Ngayon na ang araw ng b-day ng mga baby boy ko at naghahanda narin kaming umalis para pumunta sa school nila, nauna na sila mom dahil sya na daw bahala mag asikaso don at kami ng kambal ay nandito pa at si zamir na tinutulungang ayusin ang buhok ni dramir gusto nya kasi gwapo daw sya pagpasok.

"mommy pogi napo ba ako? "tanong ni dramir sakin kaya napangiti naman ako hahaha. Cute kasi nya may pa pogi sign pa sya hahahga..

"oo naman cool man pogi kayo ni bro "sabi ko at napasimangot naman sya

"mommy ako yung nagtanong bat kasama si bro? "tanong nya

"eii.. Bro magkamukha naman tayo kaya ok lang yan"singit naman ni draven at tumayo na sa inuupuan nya at lumapit sa bro nya

"tssk.. "sabi naman ni dramir na nagtatampo parin

"luh tampo kana agad nyan? Tara kiss kita dali (づ ̄ ³ ̄)づ" sabi ni draven na mas iniinis ang kambal nya

"tama nayan tara na baka naghihintay na mga classmate nyo"sabi ko sa kanila
Agad naman silang lumapit kay zamir at nagpakarga..

~~•~~
Nang makarating na kami ay nagsibabaan naman agad ang mga bata

"hey boys wait"sigaw ko kaya huminto rin naman sila at hinintay kami ni zamir

"daddy karga po"sabi ni draven kaya binuhat naman sya ni zamir at yung isa naman ay nakanguso

"daddy ako din po"sabi nya kaya napailing-iling nalang ako..

Nang makarating na kami sa room ng kambal ay nagulat ako ng makitang maraming handa..

"mom san galing yung iba? "tanong ko ng makalapit kay mom , yung kambal naman ay tumakbo na sa nga kaibigan nila at nakipaglaro na..

"ahh.. Diko ngarin alam eii.. Pag dating namin ng daddy mo nakahanda nayang mga yan"sabi ni mommy sakin

"wow mukhang di mauubos yan ang dami"singit ni zamir
Tama naman kasi apat na lamesa kasi yung may mga pagkain at may cake na malalaki pang limang lamesa
naman yung mga luto ni mommy

Lumapit naman ako kay teacher Reyl na inaasikaso ang ibang bata

"amn.. Teacher magtatanong lang ako kung san galing yung ibang handa? "tanong ko

"ahh.. Diko din alam,  pagpasok ko din dito naka ayos nayan akala ko nga kayo ang nagpaayos ei"sabi nya kaya napa tango naman ako..
Kanino namang galing yan??

"mommy, mommy "napatingin naman ako kay dramir ng lumapit sya sakin

"mommy look po sa cake ohh.. Puro big po sila"sabi nya kaya tinignan ko naman ang mga cake at tama naman, kung isusukat mukhang hanggang bewang na ni zamir ei..

Lumapit naman ako sa mga cake at binasa ang nakasulat don..
Ang isa ay para kay draven na ang design ay tomas and friends paikot yung style tas may maliit na tomas na nasa tuktok at yung ibang kaibigan ni tomas ay paakyat din, ahh.. Basta ganon yung kay draven,
Lumipat naman ako sa isa na para kay dramir, ang style naman nito ay cars at parehas ng sukat ng kay draven.. Ang gaganda ng pagkagawa pero kanino naman to galing?  Nakita ko yung from at ang nakalagay lang ay from:Dad.D.X kaya nawala ang pagtataka ko kung kanino galing,
Ewan parang nakaramdam ako ng inis t*kt* pano nya nalaman? Sinabi naba nila ??

"mommy simulan napo natin please.. Gusto kona pong kumain eii"napatingin ako kay dramir na hinahatak ang damit ko..

"sige baby"yun lang ang sinabi ko at sinenyasan na si zamir

The Billionaire Regret Where stories live. Discover now