Chapter 47

670 14 0
                                    

Patricia pov.

"hey.. Yam... "
Tawag sakin ng isang asungot pero diko pinansin.  Tsk.. Bala sya dyan..

"yam.. Promise diko talaga alam "
Sabi nya pero nakatingin padin ako sa kambal na naglalaro..

Kung nag tataka kayo bat ganto ako ngayon hindi dahil sa may period ako. Oo meron ako ngayon kaya mas umiinit ulo ko hyyst.. Ganto kasi yun nagising ako na wala na silang tatlo sa tabi ko at pag baba ko dito nakita kolang naman ang magaling kong a~ama ng nga anak ko na naka upo sa isang sofa bed at napapagitnaan ng tatlong babae at alam nyo kung sino?
Edi sino paba edi si Nicole lang naman at nag dala pa ng kaparehas nya tssk..
Kaya ayun bwisit ako ngayon sumabay pa na meron ako..

Birthday na birthday pa naman nya bwisit ako hyyst.. Kaylan ba matatapos tong kauratan ko sa kanya?  Pag wala naba yung nicole?  Hmnn.. Pa abangan ko kaya yon?  O kaya ilunod ko?  Tutal nandito narin naman kami sa resort.. Hyyst.. Ano batong pinag iisip ko?. Lord sorry po.. Kayo napo bahala sa impaktang yon.

"mommy look po ohh.. May gift po sakin yung friend ni daddy pati po si bro meron din"
Sabi ni dramir at pinakita sakin yung laruan na sasakyan. 
Ngumiti naman ako dito at ginulo yung buhok nya.

"say thank you baby "
Sabi ko sa kanya .tumingin naman ito sakin at lumapit sa inuupuan nila drake kanina at lumapit sa kasama ni Nicole.

"thank you po"
Simpleng sabi ni dramir at umupo nasa tabi ni draven na nakaupo sa maliit na upuan para sa kanila.

Tumingin naman ako sa likod ko ng kalabitin ako ni drake pero inirapan kolang sya. Ayoko man mag attitude ngayon pero kasi diko mapigilan yung inis na ewan na nararamdaman. Bat ba tayo gantong mga babae pag meron?  Hindi sa nilalahat ko yung babae pero nararanasan nyo din naman tong ganto diba pag meron? Yung feeling na parang ambilis mong mainis bigla. Kung ako lang yung ganto kailangan kona ata mag pa check up.

"Drake"
Napatingin naman ako sa nagsalita na babaeng kasama ni nicole diko pa alam pangalan nila.

Tinignan ko naman palihim si drake na ngayon ay nakataas ang dalawang kilay at nakatingin dun sa babae kaya tumingin nalang ako sa kambal at nakikiramdam nalang sa kanila.

"matagal naba talaga kayong magkakilala ni nic? "
Tanong nito . Tssk. Dipa ba nasabi ni nicole? 

Hinihintay ko magsalita si drake pero wala akong narinig na salita dito kaya tumingin naman ako sa likod ko para malaman kung anong ginagawa nya at hindi sya sumasagot pero pag lingon ko ay sumalubong ang tingin sakin ni drake kaya kinunutan kolang sya. Tumingin naman ulit sya sa babae at tumango lang don.

"a-ahh.. Okay"
Sabi nung babae at dina nagsalita ulit at tumingin nasa mga kaibigan nya.

Tumayo naman ako at hinatak palayo don si drake.

"bat dika nagsalita? Mukhang nag mukha akong masama don"
Sabi ko agad ng makalayo kami.

"baka magalit ka pag nag salita ako kaya dina ko nagsalita at tumango nalang.  Yam promise diko talaga alam na pupunta sila promise "
Sabi nya.
Tumingin naman ako sa kanya ng ilang segundo at napabuntong hininga nalang.

"okay okay.. "
Sabi ko sa kanya.  Niyakap naman ako nito ng mahigpit at hinalikan sa nuo.

"promise diko talaga alam "
Sabi nya.  Tumango nalang ako. Ayokong magalit sa kanya birthday pa naman nya.

"asan na sila Kendra ?"
Biglang tanong ko sa kanya.

"mamaya pa ata sila makakarating"
Sabi nya at niyakap ako ulit ng mahigpit.

The Billionaire Regret Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang