3- Warmth of the Devil ( His Touch and Arms )

11.6K 336 8
                                    

Rhed's POV

Naalimpungatan ako dahil sa lamig na nararamdaman ko mula sa paligid ko.

"Call Emp...She is awake now" narinig kong sabi ng isang lalaki mula sa likuran ko kasunod nun ay mga yabag na palabas ng pintuan

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko, madilum pa ang paningin ko nung una kaya kinusot ko ang mga mata ko gamit ang balikat ko at unti-unti kong nakita ang mga sa paligid ko.

Nasa loob ako ng isang room na medyo makitid, kung pagmamasdan ko ay halatang basement roon ito dahil walang kulay ito bukod sa puti.

Naka-upo ako sa isang upuan na bakal habang nakatali ang dalawa kong kamay sa likuran at mga paa ko. Sinubukan kong pumalag pero wala ring nangyari dahil sa higpit ng tali, pati bibig ko ay may tape na nakabusal.

Medyo madilim sa loob ng room na ito dahil isang ilaw lang ang nakalagay dito, pagtingin ko sa tabi ko ay may nakita akong mga lalaki na nakabantay sa akin pero hindi sila mukhang mga Filipino, they're more like American.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang iba pang mga taong naka suit at sa likuran nila ay isang lalaki na na white long sleeve at direktang nakatingin sa mga mata ko.

Those eyes... they are so familiar to me

"Get out"

Walang emosyong utos ng lalaking tinatawag nilang Emp sa mga tauhan nya habang nakatingin pa rin sa akin.
Mabilis na nagsilabasan ang mga tauhan nya na nahawa na ata sa kanya na walang emosyon ang mukha.

Napapikit ako ng mariin dahil sa sakit ng bigla nyang tanggalin ang tape sa bibig ko.

"Now, talk" mariin nyang sabi sa akin habang binibigyan nya akong nakamamatay na tingin.

Magsasalita sana ako ng pakiramdam ko ay ayaw gumalaw ng panga ko, na parang kusang nanigas ito at may nakaharang sa lalamunan ko.

Nakita kong biglang umitim ang awra ng mukha ng lalaking kaharap ko dahil di ako nagsasalita, sinubukan ko ulit magsalita pero wala talagang lumalabas. Ano ba ang nangyayari sa akin ngayon?

"I am not giving a f*ck in your game, Woman!" nakita kong mas umigting ang mga panga nya sa akin.

May mali sa nararamdaman ko...

Bakit kahit anong galit nya sa akin bakit wala akong maramdamang takot? Bakit pag sya kaharap ko ay gusto ko naibibigay ko ang gusto nya, na gusto ko nasusunod sya, na pakiramdam ko gusto ko sa tabi nya lang ako, at yung pakiramdam na gusto kong maging bahagi ng misteryosong pagkatao nya.

There is really something wrong with my feelings and mind, mali ito dahil una sa lahat di ko sya kilala at paano ako nakarating sa kanya dahil ang huli kong naalala ay pumasok ako sa compartment at may mabigat na bagay na tumama sa ulo ko and-...

"Talk or I will kill you, you choose"

Napasinghap ako ng pigain nya ako sa panga habang nakatitig ng matalim sa mga mata ko.

"Talk" In his devilish voice

I promise to God na sinusubukan kong ibuka ang mga bibig ko pero wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko, I am so hopeless now dahil wala akong maisip na paraan para makatulong sa kalagayan ko.

"Who sent you to spy me?" mariin nyang sabi sa akin.

Bigla namang kumunot ang noo nya dahil sa sinabi nya, spy? Nababaliw na ba sya? Ni hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon at lalong di ko sya kilala at ngayon ay pagbibintangan nya akong may nag utos sa akin as a spy?

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Where stories live. Discover now