17- Escapade ( His Heat Within )

9.9K 297 19
                                    


You are a silent reader but this chapter is dedicated for you josirasira, thank you for following me:)

Help me to make this story reach 1k reads, I will be ever thankful to you!

Enjoy!

_______________________________________________

Rhed's POV

Nagyaya si Davin na sa restaurant kami sa labas kumain kaysa magpa-room service, magkahawak kami ng kamay na lumabas at yung ibang tao ay pinagtitinginan sya, mukhang kilala sya.

I mean sino ba naman ang di kilala sya maliban sa akin? Did he decide to make our relationship public na ba?

Pumasok kami sa loob ng restaurant at inaamin ko di ko gusto yung tingin ng ibang babae sa kanya pero tiningnan ko yung mukha ni Davin, di sya lumilingon sa iba kaya nakahinga ako ng maluwang dahil subukan nya lang talagang may lilipad.

"Good afternoon, Royals, here's the menu" waiter

Kinuha namin pareho ang menu, di naman ako masyadong pamilyar sa menu pero more on seafoods.

"What's your best menu here?" tanong ko sa waiter

"This one, Empress"

Tiningnan ko yung tinuro nya at binasa.

"Piece of Paradise?" takang tanong ko

Actually it's a lobsters at di ko pa natry pero nagtataka ako sa pangalan nya.

"Yes, Empress, it's an original recipe of our head chef for his beloved wife"

Napangiti ako, mukhang mahal na mahal ng chef na yun ang asawa nya kaya susubukan ko ito.

"Balls away." Mariin na sabi ni Davin sa waiter

"Davin..." awat ko sa kanya dahil mukhang may sasamain na naman

"Don't mind him, I'll take this one"

Mabilis na tumango yung waiter at kinuha na rin yung order ni Davin bago umalis na dahil sa titig ni Davin sa kanya kanina pa, tinapik ko yung braso nya dahil yung mukha nya nandidilim na naman.

"What?" asar nyang sabi sa akin

"Tumigil ka nga, tinatakot mo yung tao eh"

"Tss... "

Hanggang sa dumating yung pagkin namin ay badtrip pa rin sya, sobrang sarap ng 'Piece of Paradise' inubos ko talaga at nung tingnan ko si Davin ay nakatingin sya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

Pshh... nagsusungit na naman ang Devil ko!

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami ng store para bumili ng sunscreen dahil maliligo ata kami, pagkatapos ay naglakad-lakad kami sa tabi ng dagat.

Marami kaming kasabayan.

Natutuwa ako dahil parang normal lang na couple kami na holding hands habang naglalakad at walang trabaho na inaatupag si Davin, kahit sila Ford ay wala dahil tinupad nya ang sinabi nya na Royal Day ay para lang sa amin.

(Phone Ringing)

Nagpaalam sa akin si Davin na sasagutin lang yung tawag, may nakita akong mga bata na naglalaro ng sand castle kaya nilapitan ko sila.

Nakakatuwa sila dahil yung mga ngiti nila ay sobrang nakakataba ng puso.

"Mind to play with us?" tiningala ko yung nagsalita at may apat na lalaki akong nakita

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Where stories live. Discover now