18- The VIP (Next Project of Throne)

9.5K 260 28
                                    


Zedd’s POV

Nasa entertainment room kami ni Ford at naglalaro ng Billiards habang hinihintay si Emp galing sa honeymoon nila ni Empress.

Siomai na walang ketchup! Parang nababakla akong isipin na excited na akong may bagong Emperor.

In contrast, kinikilabutan din ako.

“Unggoy na may utak, anong iniisip mo” Ford

“F*ck, Dude!” at binato ko sya ng isang balot ng chips, kapal ng mukhang mang-asar akala mo naman ay kagwapuhan.

“Pikon ang Unggoy” bulong nya

Psh...

“Dumating na daw si Emp kasama ang Empress” Ford

Lumipat ako ng kabilang position para tumira na.

“Di ko na alam ang mangyayari sa mundo kapag isinilang na ang bagong Emperor, haha” tawa ang mukhang pwet

“Sigurado yun... di ko rin kakayanin ang dalawang kalan sa isang kusina kung sakali” sabi ko sa kanya at tumira sya

Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa at pagtingin ko ay ang mukhang mamaw kong kambal lang pala.

Hindi ko sinagot ang tawag nya pero sige pa rin vibrate ang cellphone ko. Ipatapon ko nalang kaya sa Bermuda Triangle itong kapatid ko ng manahimik naman kahit papaano ang buhay ko.

“What?!” asar kong sagot sa tawag nya

“The Hell, Orangutan! Don’t shout at my gorgeos ear!” singhal nya sa akin

Ano naman ang sapak mo at tumawag ka sa akin? Kung yang mga manliligaw mo, wag nalang”

“Like duh! Wag ka ngang magsungit nakakapangit yan, di maganda sa katulad kong dyosa ang nakakarinig ng mga negatives. Like our planet is rare kaya pasalamat kang nagkaroon ka ng kapatid na dyosa para sa katulad mong Homo Sapien Sapien”

Narinig kong tumawa ng malakas ang mukhang pwet ko na si Ford, nyeta magsama silang dalawa.

“By the way highway, your shoes are here. I was in our research trip at pumunta kami ng museum at nakakita ako ng skeleton ng mga apes kaya bigla kita ng naalala”

“HAHAHAHAH!!!!!” Ford

Mind you if I will kill this guy?  Binabaan ko ng cellphone ang mahangin kong kapatid at tiningnan ng masama ang isang mukhang pwet ko na ito.

“Magkambal nga kayo” at patuloy pa rin sya sa pagtawa nya

“Shut the f*ck up!” inis kong sabi

Yumuko ako at tinira ang Biliiard’s ball target ang alaga nya. Napamura sya sa sobrang sakit kaya ako naman ang napatawa ng malakas.

“Zedd!!!” sigaw nya sa akin at binato ako ng baso pero nakailag ako

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang demonyo... I mean si Emp.

“My room” Emp at dumiretso na sa meeting  room namin.

Tahimik na sumunod kami nang biglang sipain ni Ford ang pwetan ko, F*ck!

***

Rhed’s POV

Dahil sa chismis ay di na ako nagpahatid kay Davin sa LMH dahil baka may makakita na naman sa amin mamaya. Hindi naman sa ikinahihiya ko sya pero ayaw kong mabahiran ang trabaho ng image ni Davin. I want to work and my personal matters are excluded.

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें