13- When She's Hurt ( Her Identity )

10.9K 304 36
                                    


Longest chapter so far

Enjoy!

_______________________________________________

Rhed's POV

"Look at me, wife" Davin at hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko.

Tiningnan ko sya sa mga mata nya at sya naman ay nakangiti pero di umaabot sa mga mata nya.

Patuloy parin ang mga ingay na naririnig ko sa labas, may mga bagay na nahuhulog at nababasag, alam kong may nangyayari at ayaw sabihin ni Davin.

"Now, we're going outside but just look at my eyes and don't notice any sounds you're hearing now" Davin

Tumango ako sa kanya at nag-umpisa na kaming maglakad ng dahan-dahan, paatras sya at ako naman ay paabante habang hawak nya pa rin ako sa pisngi... like he said I only look on his eyes kahit may mga naririnig akong ingay sa labas.

I trust him... he is my husband!

Hanggang sa makarating kami sa kotse at makapasok na ako sa loob ay sinunod ko ang sinabi nya, pinaandar nya na ang kotse at umalis na kami.

Tahimik lang kami pareho sa byahe pero sya kanina pa nakatingin sa side mirror nya, tulad din ng pangako ko sa kanya kanina ay hindi ako magtatanong ng kahit ano.

Ng makarating na kami sa mansion ay sinalubong kami nila Andrei kasama ang iba pang bodyguards nya.

"Emp" Andrei at yumuko

"Make her safe no matter what happen" Davin na sobrang seryoso ang mukha ngayon at tumango si Andrei

"Yes, Emp"

"I'll be back, Wife" at umalis na sya

Parang nakaramdam ako ng takot dahil ibang mga kinikilos nya ngayon tulad kahapon, may sumunod ba sa amin?

"Empress, let's go inside" Andrei

Tumango ako at pumasok na kami sa loob.

***

Zedd's POV

"Where are they?" Emp na kakarating lang sa paghatid kay Empress

"Inside, Emp" sagot ko

Pumasok kami sa loob ng cottage nila Emp, pumapalag pa yung mga lalaking nabuhay sa gyera namin kanina habang naka-upo at nakatali ang mga kamay sa upuan.

Papunta na sana kami kanina sa bar dahil day off namin ngayon... sobrang pasalamat talaga sa Empress at makakapangbabae naman ako kahit papaano.

Naalis ang ngiti ko sa labi ng tumatawag si Emp sa cellphone ko... ano na naman ang kailangan ng Demonyong ito? Akala ko ba day-off?

"Emp-..."

"Track my phone, someone's following us" Emp at pinatayan na ako

Nyemas... hinila ko ang kuwelyo ni Ford pabalik ng kotse dahil seryoso ito... nak ng tilapia at hipon, kasama si Empress ngayon at mukhang mahihirapan kami nito.

"T*ngena ka, problema mo?!" singhal nya sa akin

"May nakasunod kila Emp ngayon...." sabi ko sa kanya kaya mukhang na tauhan.

Kinuha namin ang baril mula sa compartment at nilagyan ng silencer, nang makarating na kami sa beach kung saan sila Emp ay tahimik ang lugar at madilim pero may nakikita akong grupo ng mga lalaki sa likod ng mga puno ng niyog malapit sa floating house kung saan sila Emp at Empress.

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon