4- Two Knights ( When He Comes )

11.4K 371 14
                                    

Zeddrick's POV

What the...F? napabalikwas ako sa higaan ko ng magring ang cellphone ko, pag ito hindi importante sinasabi ko malilintikan sa akin ang tumatawag na-...

"Emp!"

Mabilis na napaupo ako at inayos ang boses ko ng makita ko ang pangalan ni Emp sa screen ng phone ko, anak ng demonyo naman oh!

"Emp-..." di pa ako tapos sa sasabihin ko ng pinutol nya na ako..langya naman oh!

"Car."

Maikling sabi nya at pinatayan na ako..asshhh!! Napasabunot ako sa buhok ko dahil biglaan talaga ang pagdating nya, akala ko ba ay one week sya sa lakad nya pero eto sya at bumalik ng wala man lang pasabi ng maaga.

Kaysa naman sa magreklamo pa ako at mabilis na nagbihis ako...damn! si Ford!

Tumakbo ako papunta sa kabilang kwarto at binato ng unan ang natutulog na si Ford, aba! Makuha nya pa kayang matulog ng ganyan pag nalaman nyang nandito na ang demonyo?

"Isa! Tarantad* ka talaga, Zedd! Natutulog pa ako!!" lakas naman makasigaw ng mamaw na ito! Pucha daig pa ang babae sa tining ng boses.

"G*go! Ang Emperador nandito-..." di ko na kailangan pang tapusin ang sasabihin ko dahil pagkarinig nya palang ng Emperador ay biglang bumangon na ito at nagbihis agad.

Mabilis kong sinuot ang sapatos ko, tangna... nasa elevator kami pero tumatali pa kami pareho ng mga sintas namin...sabi ko na nga ba at di dapat itong sapatos ang binibili ko.

Masamang magalit ang demonyong boss namin lalo na sa mga late, napaka time-freak nyang tao. At wag nyo ng tanungin kung anong kaya nyang gawin dahil baka di mo kayanin, di namin yan tatawaging demonyo ng walang dahilan.

Sya na ata ang taong pinaglihi sa apoy at isinilang sa kalan dahil sa sobrang pagkainitin ng ulo kahit konting bagay lang na di masunod ayon sa gusto nya.

Sa tagal na ba namin ni Ford na nagtatrabaho sa kanya ay di pa naming nakitang kumalma sa isang araw yan, araw-araw ba naman ay may dalaw ang taong iyan. Nagdidiwang ang buong mansion kapag umaalis yan dahil walang pressure.

"Ano naman kaya ang pumasok sa utak ng demonyo na yun at napauwi ng maaga..langya may hang-over pa ako mula kagabi eh" Ford

Nagparty kasi kami kagabi para sa celebration ng pag-alis ng demonyo pero wengya...malalagot kami nito 0 naamoy ng Emperador na yun na amoy alak kami. Di pa ready ang gwapo kong mukha sa kamao ng demonyo.

"Yo, Emp! you're too early! " bati ko kay Emp pagkababa nya palang, nilaparan ko ang ngiti ko sa kanya baka kasi mahawa manlang kahit sampung porsyento ng positive vibes ko, malay mo lang.

"You didn't tell us that you brought wom-..." Ford

Nagtaka ako dahil naputol ang saabihin nya at may tiningnan sya sa bandang likuran, sinundan ko rin ang tinitingnan nya at-... watdapak??!! Babae?

"-woman?? ??" Ford na sobrang nagulat din.

At kailan pa nagumpisang mambabae ang demonyo? Saging lang ang may puso para sa nilalang na ito pero anong santo naman kaya ang sumanib sa Emperador namin??

"F*ck up. Let's go" Emp

Di na kami nagtanong dahil wala naman kaming mapapala...ay meron pala..kamao nya.

Masyado kasing private ng boss namin kaya ni isa sa amin ay walang nagtatangkang magtanong ng mga personal issues nya.

Pero maganda yung babae... sobra. Saan nya kaya nakuha yun at dinala nya pa dito sa Empire Building?

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin