28- The Return ( His Blame )

8.2K 266 31
                                    

This chapter is dedicated to @honeyhomey ashchoi9 and Hanshy_Bunchy thank you for following and supporting my story!

Sometimes, I feel like this story is being haunted because of unexpected read's increases, but I can't see votes or comments Hahahaha!

Please do vote and leave a comment:)
Kape lang ako at maghihintay sa inyo!
Enjoy!

_______________________________________________

Rhed’s POV

One week has already passed at last week ko na lang ngayon para sa intership ko sa LMH. Mamimiss ko ang hospital na ito, in the future ay gusto kong magtrabaho rito.

Isang linggo na rin na seryoso si Davin at mukhang sobrang busy more than usual kasama sila Ford at Zedd. Minsan nga ay nalelate na si Andrei o kaya si Davin sa pagsundo sa akin pero okay lang naman.

Wala namang nababanggit sa akin si Davin pero naiintindihan ko na naman ang sitwasyon nya dahil nagpapaalam naman sya kapag aalis sya o kung saan sya pupunta.

“Nurse Rhed, may naghahanap sa iyo” tawag sa akin ni Nurse Markian

“Sino po?” takang tanong ko dahil wala naman akong inaasahang bisita at imposibleng si Davin dahil kakasabi ko lang na busy sya.

“Babae eh” sabi nya

Tumango na lang ako at pumunta sa waiting area para puntahan ang taong humahanap sa akin.

Mula sa isang upuan ay nakita ko ang isang babae na naka suot ng killer hills, full make up, dress like she’s in run way while she’s sitting sophisticatedly.

Ang mga tao ay nakatingin sa kanya at tinataasan nya lang ng mga kilay ang mga to... napangiti ako dahil namimiss ko na rin ang babaeng ito.

“Sal” tawag ko sa kanya at biglang gumuhit ang ngiti sa labi nya ng makita ako

“Rhed, my queen is here” sabi nya sa akin at niyakap ako kaagad

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya at humiwalay ng yakap

10:00 pm na kasi at naisipan nya bumisita sa akin, masyado ng gabi para pumunta pa sya dito.

“Wala kasi akong magawa sa shop namin, tapos na rin ang work ko sa EU kaya naisipan kong puntahan ka dito. I’m just checking kung buhay ka pa” Sal

Hinampas ko sya ng mahina dahil sa mga kalokohan nya. Hinintay nya ako hanggang sa magbreak ako ng 12:00 am, pumunta kami sa coffee shop dahil medyo inaantok ako.

Ang mga mata ng mga tao ay nakatingin sa kanya, sa suot nya ba naman na agaw talaga ng pansin, sino ang hindi mapapalingon.

***

Sal’s POV

Nagpaalam ang aking bestfriend na dyosa at Empress na bibili lang sya ng snacks sa bread shop na nakatayo sa kabilang dulo.

Ako naman ay pumila para bumili ng coffee namin, at dahil pareho kaming dyosa at pareho na lang ang inorder ko dahil wala naman syang order na sinabi.

Tinaasan ko ang isang babae na mukhang alalay ng chimay, in short sobrang panget!

Aba! Una nya kaya akong tinaasan ng kilay, ihampas ko pa sa kanya ang Mac eyebrow ko ng mabulag sya!

“What’s your order, Ma’am?” tanong sa akin ng chimay na cashier

The Devil Billionaire's Empress (COMPLETED) Where stories live. Discover now