Chase 1

1 0 0
                                    





" Ano?!..nababaliw ka na ba?" Gulat na sigaw ni karyl, sinabi ko made sa kanya Ang plano Kung gawin at mukhang tutol Sya..

Ito lang Naman Ang kailangan Kong gawin para mapansin nya ako, Lagi na Lang akong patagong nakatingin sa kanya, ito na yata Ang time para iparamdan sa kanya Ang tunay Kong nararamdaman.

" Sa tingin ko,... Oo" malungkot Kong turan saka tumingin sa kanya at nagulat ako dahil nakangiti Sya...diba dapat nakasimangot Sya kase galit Sya dahil sa balak Kong gawin. Bakit Parang masaya pa ata Sya.

" Anong nginingiti mo dyan" tanong ko..humagalpak Naman Sya ng tawa, Ang weird nya talaga.

" Wala Lang, Ang galing kase ng naisip mo, bat ngayun mo lang yan naisip noh?"...napanganga ako sa sinabi nya, may baliw akong bestfriend, at napatunayan na ngayun, now tell me, sinong may alam dyan ng  pinakamalapit na mental at dadalhin ko na ang kaibigan ko.

" Kingina ka talaga kang babae ka, alala ko pa Naman galit ka kase para SAyo mali Yung gagawin ko!?" Sabi ko sabay pinaghahampas Sya sa baraso, kakainis talaga tong babaeng to.

" Aray! Tama na! Sorry na okay!? Nagulat lang ako pero gusto ko yang gagawin mo, syempre dahil tataas  ang self confidence mo kase nagawa mong i pursue Ang crush mo kahit na walang kasiguradohan Kung kaya ka nyang I crush back." Paliwanag nito, kumalma ako at tumingin na lang sa malayong tanawin,

"Alam mo na mang Lagi kitang suportahan diba" dagdag pa nito

"Pero napaisip ako karyl, di ba Parang nagmumukha along desperado sa gagawin ko" Sabi ko sa kanya habang mariin syang tinitingnan

" Ang pagpaparamdam ng nararamdaman ay Hindi pagiging desperado, Elena. Maaring oo, sa tingin ng Ibang Tao pero ito ang tatandaan mo, merong tayong karapatan na ipakita Ang Kung ANONG nararamdaman natin" Sabi nito at ngumiti ng pagkatamis tamis.

Minsan Naman pala normal tong kaibigan ko, alala ko habang buhay ng abnormal, pero kahit Naman ganyang yan, Mahal na Mahal ko Yan, madami talaga along kaibigan non kaya lang mukhang kinalimutan na ako, si karyl na Lang Ang laging nandyan para sa akin, kaya kahit na medyo sobrang baliw nito, hindi ko ito ipagpapalit sa iba. Kung maririnig lang ito ni karyl, nakow, lalaki Ang ulo noon, haha.

" So, anong plano mo?" Tanong ni karyl

Ano nga ba?

" Ahhhh, Alam ko na,. Sundan na lang muna natin Sya , then saka Tayo pupunta ng school Nila"

" A-ano!? Pupuntahan natin Ang school Nila, baliw ka ba, school for boys Ang Luna college institute"

" Basta ako na ang bahala!"

" Okay, Sabi mo eh"

" Hoy, Ang bebe mo oh" Sabi ko sabay turo Kay Francis, boyfriend nyang 13 years old, pero wag ka, matangkad ito at gwapo, di mo mahahalata na grade 7 lang ito,

" Hala, oo nga, so ano, bukas na Lang, bye, punta na ako sa bebe ko, hanap ka narin ng bebe mo" Sabi nito at umalis habang tumatawa.

Nahanap ko na Ang bebe ko, di nga Lang mapasa akin, Ang saklap Naman, si Asher na first love ko, na hanggang tingin lang ako at pinapangarap Sya araw Gabi. Hayyy buhay..

Nakauwe na nga.

" Oh sige bro, pupunta na ako, " papa akyat na ako ng hagdan ng makasalubong ko si kuya, Ang kakambal ko, may katawagan ito sa phone, saan Naman kaya Ang punta nito

" Ahh, oo nga pala Asher, dala mo ba Ang hinihiram ko" agad na nagpanting Ang tenga ko ng marinig Ang pangalan Asher, kaya Naman napatigil ako sa pagkalakas at hinarap si kuya, kaya Naman napatingin Sya sa akin.

" Oh sige, aalis na ako" Sabi nya sa phone at saka ito ibinaba

" W-what kuya? Asher? Sinong Asher yun? Asher Gabriel Luna ba? Kaibigan mo?" Sunod sunod Kong tanong na syang ikinagulat nya,

" Asher Luna nga, bakit mo Naman natanong" tatawa tawang Sabi nito, sa palagay ko ay may Kung ANONG tumatakbo sa utak nito

" W-wala Naman, diba ba hindi mo Naman yun kaklase bakit katropa mo" muli Kong tanong at nagiwas ng tingin sa mapanuring titig nya

" Kailangan ba kaklase para maging kaibigan?"

Sya nga Naman, kahit sino pwedeng maging kaibigan kahit na di kaedad,

" Ahh..sige, aakyat na ako" Sabi ko at akmang aakyat na ng tawagin nya ako

" Elena Raimy"

Tumingin ako sa kanya

" May gusto ka ba Kay Asher?" Tanong nito na syang nagpakaba sa akin, magaling talaga ang kambal Kong mag obserba Jaya di na ako nagtataka Kung Alam nya na.

di ako nakasagot sa tanong nya, Isang bunting hininga Ang pinakawalan nya bago humakbang papalapit sa akin.

" Malaki Ang agwat ng edad nyo Elena, 20 na Sya, 17 ka pa lang, sa tingin mo ba, magugustuhan ka nya, hindi Sya katulad ng Ibang lalaki na Basta maganda jojowain na kahit di kaedad, minsan nya nating sinabi sa akin na gusto nya Ang babaeng Kung maaari ay kaedad nya o kahit mas matanda sa kanya, "

" Alam Kong gusto mo Sya" deklara nya, hindi Naman ako nakasagot dahil totoo

" Ayaw ko lang na masaktan ka pero dahil matanda ka na para magdesisyon sa sarili mo, hahayaan Kita, Basta sinabihan na Kita" Sabi nito saka lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo

" Aalis muna ako, dito ka muna sa bagay, Mamaya nandyan na Sina daddy" Sabi nya at saka lumabas ng Bahay,

Bahala na nga, Basta ako, susundin ko Ang sinisigaw ng puso ko, GUSTO KO SI ASHER, SYA LANG, WALA NG IBA. 

Chase Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon