Chase 4

0 0 0
                                    

" San ba Tayo pupunta?" Tanong ni karyl ng pumasok kami sa village ng Bahay nina ate Meryll, di ko pa kase masasabi sa kanya Ang dahilan.

" Kina ate Meryll nga, nandon kase sina Asher " ulit ko dahilan para mapatakip Sya sa bibig nya, Ayan na Naman, umaandar na Naman Ang kabaliwan nito.

" Oh my God, talaga, bakit ngayong agad?" Histerikal na tanong nito halatang gulat na gulat.

" Wag ka na lang magtanong, " Sabi ko dito..

grabe, kinakabahan na ako

Naglalakad na kami, medyo mainit na dahil alas nuebe na ng umaga, malapit lang Naman Ang Bahay nina ate Meryll dito sa gate ng village at madali ring makita dahil ito ay Ang pinakamalaki at pinaka kakaiba Ang itsura.

" Shhh karyl, itikom mo muna Ang bibig mo okay? Baka makasigaw ka dito ng Wala sa oras" bulong ko dito ng marating namin ang gate ng bahay. Mukhang walang tao dahil Ang tahimik. Pero siguro hindi lang talaga sila maingay tulad ng iba.

" Ito ba talaga ang Bahay Nila, bakit Parang walang tao" bulong nito habang nakakapit sa baraso ko," Ang init, mangingitim ako" dagdag pa nito, nagawa Naman ako dahil hate nya talaga ang initan, ayaw nya kasing mag ka sunburn, haha.

" Oo nga, remember, pinsan namin Sya so malamang Alam ko, ilang beses ko ng napuntahan ito" sagot ko dito

Muli kaming sumilip sa loob at pinakiramdam Ang paligid Kung narito nga sila.

" Ah, Miss, what are you doing in front of our house?" Napabalikwas kaming dalawa ni karyl ng may magsalita sa likod naming dalawa, pagharap namin ay agad akong mapatakip ng bibig sa gulat.

" Elena?" Gulat na turan nito ng makita ako, God, Pano na toh.

" Ate Meryll" banggit ko ng pangalan nito.

Kinakabahan na ako at ramdam Kong humigpit na rin ang kapit ni karyl sa baraso ko.

" Anong ginagawa mo dito sa labas?" Nag aalalang tanong nito

" A-ah eh, kase ate, a-ano " hindi ako makabuo ng sasabihin dahil pinangunahan ako ng kaba.

"A- ah ate, ako nga pala po si karyl, bestfriend po ako ni elena,n- nandito po kami kase ano, ano," sandaling nagisip si karyl ng dahilan, " ah, nandito po kami dahil galing po kami sa kaklase namin na dito Nakatira, nandito na rin Naman po kami sa village nyo bat di na lang din po namin kayo bisitahin" mabilis na Sabi nito, Buti na lang kasama ko to, magaling kase to sa mga palusot eh.

" Ahh, ganon ba, oh Sya tara pasok kayo, dapat kase nag doorbell kayo, Ang init sa labas" Sabi nito at iginaya kami papasok sa Bahay

Nagkatinginan kami ni Karyl, patay na, Mali pala Ang naging palusot nitong Isang ito, papapapasukin pa tuloy kami at malalaman nina kuya na sumunod kami sa kanila. Patay na.

" No choice tayo Elena, Tara na" hila nito sa akin, Wala Naman akong nagawa kundi magpahila. Ano na Lang Ang sasabihin ni kuya kapag nakita nya kami dito.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay tumambad sa amin si  Asher  at sina kuya, pati Ang mga kaibigan Nila, topless Ang mga ito at galing sa likod Kung saan Ang swimming pool. Laglag Ang panga ko ng makita ko si Asher na walang damit pang itaas, first time Kong makita ang hubad nyang katawan, sakto lang Ang laki ng katawan nito  para sa Isang college student, still, nakaka akit.

Gulat silang napatingin sa amin ngunit si kuya at Asher ay nanatiling walang emosyon , marahil ay Alam nilang sundan namin sila.

Natauhan lamang ako ng tumingin si kuya kaya naalis Ang titig ko kay Asher at sa katawan nito.

Nang ibaling ko Ang tingin ko Kay karyl, nakita Kong namumula ito habang nakatingin sa katawan ni kuya, naaakit na  ba tong babaitang to.

" Nakita ko silang dalawa sa labas, makasilip sa gate, Sabi Nila, may pinuntahan lang sila, dumaan lang dito para bisitahin ako" paliwanag ni ate dahil mukhang walang ideya Ang iba nilang kasama Kung bakit narito kami." Ang bait talaga ng pinsan ko" dagdag pa nito sabay yakap sa akin.

Ngumiti na lang ako ng pilit, muli Kong tiningnan si karyl at nakita Kong nakayuko ito at kagat labi dahil sa hiya.

" A-ah ate Meryll, Ang mabuti pa siguro, next time na lang kami pupunta dito, may mga bisita ka pala" Sabi ko dahil Ang awkward ng ambiance, bakit ba klase nahuli kami.

"Oo nga po, may tataposin din po kaming project ngayon" pag sang ayon ng kaibigan ko.

" Ah ganun ba,  sayang Naman, pero sige, Basta pasyal ulit kayo dito ha" Sabi nito halatang medyo na dismaya dahil aalis agad kami eh kadarating Lang namin.

" Promise po ate, pasyal ulit kami" Sabi ko at hinawakan Ang kamay ng kaibigan ko

Dumapo at tingin ko Kay  Asher na seryosong nakatingin sa akin, di man Lang ngumingiti, siguro sa pagkakataon ito ay ramdam nya na,

" Umuwi ka kaagad" bilin ni kuya , tumango nalang ako

" At ikaw Naman" turo nito Kay karyl," kapag di mo binantayan yang kapatid ko, nanakawin ko ulit Yung nanakaw ko sayo Noong nakaraan" kumunot Ang noo ko sa sinabi ni kuya, so may ninakaw Sya sa kaibigan ko, ano yon

" A-ano, gago ka ba?, Hahalikan mo ulit ako?" Laglag Ang panga ko sa sinabi ni karyl, hinalikan ni kuya Ang kaibigan ko at yun Ang dahilan Kung bakit galit na galit si karyl Kay kuya.

Ng tingnan ko si kuya, nakita Kong sumimangot ito at naglakad paalis.

" Subukan mo lang gawin ulit yun, tatandaan ka sa akin!?" Malakas na sigaw ni karyl,

Ano na lang kaya Kung sila Ang nagkatuluyan, haha, maingay at tahimik, good combination..haha

napangiti ako sa naisip, excited na ako sa mangyayari sa dalawang to,

Ngayun ko lang napansin, bagay pala sila.

Hinila ko na palabas si karyl at hinarap ito

" Mind to share?"
 

Chase Me, BabyOnde histórias criam vida. Descubra agora