Chase 16

0 0 0
                                    


"He is my boyfriend" ng sabihin ko iyon ay parang gatilyong pinaghahampas ako ni Karyl. Ano bang problema ng babaeng ito at ganito na lang kung makapanakit.

Pakiramdam ko ay bugbog sarado ako sa babaeng ito. Napakabigat ng kamay nito at akala mo ay pinaglihi sa bakal.

"Tara safield, manood tayong football, ang alam ko may try out ngayon" sabi ni Karyl matapos ang madugong nangyari kanina, kung maka asta ay parang walang nangyari ah.

"Im not into football, karyl" I said and massage my arms, masakit pa rin, di man lang nagsorry ang nanakit. Well, sa bgay, kasalanan ko rin kasi ininis ko sya.

"Naku, Elena, sigurado ako na kapag nakita mo kung sinong mag lalaro ngayon, baka maging paborito mo na rin ang football" sabi nito sabay tawa. Loka loka.

"Bakit? Sino ba ang maglalaro?" tanong ko, I have a hint, I just want to clarify.

" Sino pa, edi ang so called boyfriend mo at ang kanyang kampon" sabi nya sabay pabirong umirap. Baliw talaga ito at bitter, naku.

Sa sinabi nya ay parang may biglang nabuhay sa akin. Di ko pa sya nakikitang maglaro ng football. He needs my cheer, I should be there.

I just found myself running papunta sa field.

"Excited much?, supportive girlfriend huh" pang aasar ni Karyl na tinawanan ko na lang.

"Ini-cancel ang class pang hapon para dito kay we dont need to wory, malakas talaga ang Luna College sa School natin ano?." Gaano ba ito kaimportante para icancel ang class, sa bagay, malaking asset kung sakali mang magustuhan ng Luna Colkege ang School namin kaya todo bigay naman ang school namin. Pero di na mahalaga yun, basta nandito Asher, wala na akong pakialam.

Nagsisimula na ang laro ng makarating kami, agad akong hinila ni Karyl sa bandang unahan kung saan mas komportable kaming makakapanood.

Magaling palang mag laro si Asher ng football. Napatingin ako kay Mr. Hezekiah na seryosong  nakatingin sa amin or should I say  sa katabi ko. Tumingin ako sa katabi ko, shes also staring at him, one brow raised. Parang may pinaguusapang di ko alam ah.

Binalik ko ang atensyon kay Asher na seryosong naglalakad papalapit sa akin. Agad akong nataranta, lalapit sya sa akin, bakit sya lumalapit.

Nakatingin ito sa akin at yumuko para kumuha ng tubig, break pala at nandito ang gamit nya sa may tapat ko, akala ko naman kung ano na. Sandali ko uli sya tinitigan, kahit pawis na ay gwapo parin. Pinunasan nya ang kanyang pawis sa mukha at lumapit sa akin, kinuha ang kamay ko inilagay ang towel nya.

"Baby, can you cheer for me" Natulala ako sa sinabi nya, did he just called me 'baby'.

Kung hindi pa ako tinulak tulak ni Karyl ay di pa ako matatauhan. Damn, it almost melt me. His baby melts me so damn much.

"Huy, narinig mo ba, cheer for him daw, natulala ka na dyan, tinawag ka lang na baby." Sabi nito sabay tawa.

I cheered for him, Pag nakakpoints sya ay sisigaw ako, ang sarap lang sa pakiramdam na maging boyfriend sya.

"Woahh!Boyfriend ko yan!" I shouted ng makapuntos si Asher dahilan para matahimik ang lahat. Masyado bang malakas ang boses ko para  matahimik sila. Then I realize what I said. Nanlaki ang mata ko at napatingin kay Asher. He's looking at me intently and then I saw a small smile formed on his lips. Napangiti ako at muling sumigaw.

" Go baby! Talunin mo ang kalaban!" Muling nagsigawan ang lahat ngunit ang mata ko ay na kay Asher parin. He smiled to me, I think Im loving calling him Baby.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chase Me, BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon