Chase 6

0 0 0
                                    

Buhat buhat nya lang ako, para namang di sya nahihirapan eh, anlaki kaya ng braso nya, hindi naman sobra pero syempre, nanliliut yung mga braso ko.

Im still pretending and I did'nt expect na ganito ito kahirap, magkakastiff neck ata ako nito. Yung pakiramdam na gustong gusto mo ng imulat ang mga mata mo dahil nanga ngawit ka na pero dahil nagpapanggap, kailangang tiisin. Ginusto ko ito , anong magagawa ko tsaka, worth it naman.

Di ko akalain na mapapalapit ako sa kanya ng ganito, di talaga ako makalapit noon kase nahihiya ako.

I can still hear Karyl uttering someting, still pretending that she is worried because of what happened. Shes too over reacting,

Few minutes later, naramdaman kong ibinababa ako sa back seat ng kotse, ng magsarado ang pinto, marahan kong iminulat ang mga mata ko, sapat lang para makita ko ang paligid. Malinis ang kotse at napaka manly ng scent. Siguro sa kanya itong kotse.

Nakita ko sila sa labas na naguusap, siguro nagpapasalamat si Karyl. Maya maya pa'y pumasok na sila at muli na naman akong pumukit, pinakikiramdaman ang paligid.

Napaka tahimik, makakatulog ata ako dito, magsalita naman kayo,

" Dun mo na lang kami ibaba sa bahay nina Elena, Ill take care of her" Karyl broke the silence

Wala akong narinig na response, suplado naman nito.

I open my eyes a little again and almost choke ng makita kong tumingin sya sa backseat ng kotse kung saan ako naroroon.Agad kong isinara ang mata ko, sana isipin nyang namamalik mata lang sya, kita ko kase ang pagkunot ng noo nya,I just hope.

Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin sa school kaya ilang minuto lang ay nakarating na kami. Pakinig ko ang sabay na pagsara ng pinto ng driverseat at front seat.

Maya maya pa ay naramdaman ko na naman ang kamay nya sa akin. Buhat buhat nya uli ako papasok sa bahay, nagdoorbell sila at agad din namang binuksan ni manang.

" Oh jusko! Anong nangyari sa batang ito, anong nangyari kay Elena?" gulat nitong tanong.

Wala namang sumagot, ayaw rin siguro ni Karyl magsinungaling kay manang.

" Manang, pakuha naman po ng tubig at pamunas" sabi ni Karyl at agad namang sinunod ni manang.

" Salamat Asher sa paghahatid samin dito"

Hindi na naman sumagot si Asher sa sinabi ni Karyl, imbes ay sinabi nya ang mga salitang nagpamulat sa akin.

" You can now wake up, masamang magpanggap ng ganyan, baka magkatotoo"  ng iminulat ko ang mga mata ko ay nasa labas na sya, binalingan ko si Karyl na nakatitig sa pintuang nilabasan ni Asher. Laglag ang panga nito at katulad ko ay gulat na gulat rin.

Kailan nya pa nalaman, nun bang nasa kotse kami o alam nya na noong natumba ako.

I cant believe it, nakakahiya yun, Im totally embarassed at alam kong ganun din ang nararamdaman ni Karyl.

Sa sobrang gulat ay di ko na namalayang nakarating na si manang dito sa living room daladala ang batyang maliit na may lamang tubig at pamulas.

" Nakung bata ka, buti na lang nagkamalay ka na kung hindi natawagan ko na ang mommy mo, ano bang nangyari?" tanong nito at mukhang naramdaman na wala akong balak sumagot kaya nanahimik na lang at muling pumasok ng kusina.

"Sorry, Elena, mission failed tayo" malungkot na sabi ni Karyl

"No, its not your fault, kaka ngawit at nakakainip kaya di ko matiis na di magmumulat ng mata kaya nahuli ako ni Asher" paliwanag ko"pero diba, ang mahalaga hinawakan nya ako, binuhat nya ako at tinulungan knowing na nagpapanggap lang ako, nakakakilig" dugtong ko at umaktong kinikilig para maibsan ang guilty nya.

" Basta sorry" sabi nito at nagpout, ang kyut talaga ng bestfriend ko.

" haysst, ang kulet, tara na nga, dito ka na mag dinner, nakakapagod ang kiligin" sabi ko sabay akbay sa kanya para pumunta sa dining,, mag didilim na kase kaya uuna na kaming kumain.

Nakakapagod din ang pagpipigil sa nararamdaman, nakakapagod paamuhin ang pusong kulang na lang ay sumabog sa sobrang lakas ng tibok.

Chase Me, BabyWhere stories live. Discover now